Pagbuo Ng Certificate Signing Request
Para i-install ang isang digital certificate, dapat ka munang bumuo at magsumite ng Certificate Signing Request (CSR) sa Certification Authority (CA). Taglay ng CSR ang impormasyon mo sa certificate-application, kasama na ang public key mo. Gamitin ang software mo sa Web server para bumuo ng CSR, na siya ring lilikha ng public/private key pair na gagamitin para sa pag-encrypt at pag-decrypt ng mga secure na transaksiyon.
Kung nag-aapply ka para sa SSL certificate para sa isang domain na naka-host sa amin, bubuhin at isusumite namin ang CSR para sa iyo.
Ang mga SSL certificate mula sa ay compatible sa lahat ng secure na software ng Web server.
TANDAAN: Kapag binubuo ang CSR mo, tukuyin ang key size na 2048 o mas mataas.
I-click ang pangalan ng applicable server para makita ang mga tagubilin. Kung hindi mo aalam kung aling server ang pipiliin, itanong sa tagapaghatid mo ng Web hosting.
Lista ng Mga Web Server
Tungkol sa Distinguished Name
Habang nililikha ang CSR, huhudyatan ka na magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa organisasyon mo. Gagamitin ng web server software ang impormasyon na ito para likhain ang distinguished name (DN) ng certificate ng Web Server mo. Bukod-tanging kinikilala ng mga distinguished name ang mga indibidwal na server:
Taglay ng distinguished name ang sumusunod na impormasyon:
Code ng Bansa: Ang dalawang-titik na International Organization for Standardization (ISO-) format na code ng bansa para sa bansa kung saan legal na nakarehistro ang organisasyon. I-click dito para sa kumpletong lista ng mga ISO na code ng bansa.
Estado/Lalawigan: Pangalan ng estado, lalawigan, rehiyon, teritoryo kung saan naroroon ang iyong organisasyon. Pakilagay ang buong pangalan Huwag daglatin
Lungsod/Lokal: Pangalan ng lungsod/lokal kung saan nakarehistro/naroroon ang organisasyon mo. Pakibaybay ang pangalan ng lungsod/lokal. Huwag daglatin.
Organisasyon: Pangalan kung saan legal na nakarehistro ang negosyo mo. Ang nakalistang organisasyon ay dapat na legal na registrant ng domain name sa hinihiling na certificate. Kung nag-eenroll ka bilang maliit na negosyo/sole proprietor, pakipasok ang pangalan ng humihiling ng certificate sa field na "Organisasyon", at ang DBA (doing business as) na pangalan sa field na "Organizational Unit".
Organizational Unit: Gamitin ang field na ito para ipakita ang kaibahan sa pagitan ng mga dibisyon sa loob ng organisasyon. Halimbawa, "Engineering" o "Human Resources." Kung maaari, maipapasok mo ang DBA (doing business as) na pangalan sa field na ito.
Common name: Ang pangalang ipapasok sa field na "CN" (common name) ng CSR ay DAPAT na fully qualified domain name (FQDN) mula sa website na paggagamitan mo ng certificate (hal., "www.domainnamegoeshere"). Huwag isasama ang "http://" o "https://" na prefix sa common name mo. HUWAG ipapasok ang personal mong pangalan sa field na ito.
Kung humihiling ka ng isang wildcard certificate, maglahay ng asterisk (*) sa kaliwang panig ng common name (hal., "*.domainnamegoeshere.com"). Itoa ng titiyak sa lahat ng subdomain ng common name.
TANDAAN: Kung ipapasok mo ang "www.domainnamegoeshere.com" bilang common name sa hinihiling mong certificate signing, titiyakin ng certificate ang kapwa "www.domainnamegoeshere.com" at "domainnamegoeshere.com."