Paglilikha Ng Certificate Signing Request (CSR) - Exchange Server 2010
Para makumpleto ang inyong online na requestt form para sa isang SSL, kailangan ninyo ng isang Certificate Signing Request (CSR). Sundan ang mga instruksyon na ito para makagawa ng CSR para sa inyong website. Makalipas ninyong makagawa ng inyong CSR, i-copy at i-paste it sa CSR field sa SSL certificate na request page.
Kung kailangan ninyong gumawa ng ligtas na higit sa isang pangalan ng domain, aming inirerekumenda na kayo ay gumamit ng Multiple Domain Unified Communications Certificates (UCC) sa inyong Microsoft® Exchange Server.
Para Magawa ang Inyong Certificate Signing Request — Exchange Server 2010
- Simulan ang Exchange Management Console sa pamamagitan ng pagpili sa Start, All Programs, Microsoft Exchange Server 2010, at tapos ay ang Exchange Management Console.
- I-click ang + sa tabi ng Microsoft Exchange On-Premises para mapalaki ang listahan ng mga serbisyo.
- Piliin ang Server Configuration, at pagkatapos ay piliin ang New Exchange Certificate.
- Maglagay ng isang magandang pangalan para makilala ang certificate na ito, at tapos ay i-click ang Next.
- Sa Domain Scope na seksyon, gawin ang isa sa mga sumusunod:
- Kung ang inyong CSR ay para sa isang wildcard, piliin ang Enable wildcard certificate, ilagay ang root na pangalan ng domain para sa inyong wildcard certificate, at tapos ay i-click ang Next.
- Kung ang inyong CSR ay hindi para isang wildcard na certificate, i-click ang Next nang walang pinipili.
- Sa Exchange Configuration na seksyon, piliin ang mga sumusunod na serbisyo na nais ninyong ligtas na mapagana, at tapos ay i-click ang Next:
TANDAAN: Kailangan ninyong malaman mismo kung paano naka-configure ang inyong server para piliin ang mga serbisyio na kailangan ninyong patakbuhin.
- Sharing — Piliin kung nais ninyong gamitin ang inyong certificate para sa Federated Delegation.
- Client Access server (Outlook Web App) — Piliin kung mayroon kayong Outlook Web App sa Internet, at tapos ay ilagay ang (mga) pangalan ng domain na inyong ginagamit para ma-access ang Outlook Web App.
- Client Access server (Exchange ActiveSync) — Piliin kung ang ActiveSync ay pinapagana, at tapos ay ilagay ang pangalan ng domain na ginagamit ninyo para ma-access ang ActiveSync.
- Client Access server (Web Services, Outlook Anywhere, at Autodiscover) — Piliin kung kayo ay gumagamit ng Exchange Web Services o Outlook Anywhere, at pagkatapos ay ilagay ang pangalan ng host para sa inyong organisasyon. Kailangan rin ninyong piliin kung nais ninyo ang Autodiscover na serbisyo para sa Internet. Kung oo, pumili ng mahaba o maiksing URL, at tapos ay ilagay ang pangalan ng domain na ginagamit ninyo para ma-access ito.
- Client Access server (POP/IMAP) — Piliin kung kayo ay gumagamit ng POP/IMAP na mga serbisyo internally at/o externally. Ilagay ang pangalan ng domain na inyong ginagamit para ma-access ang parehong POP at IMAP na mga serbisyo.
- Unified Messaging server — Piliin kung gusto ninyong gumamit ng Self-signed o Pampublikong certificate kasama ng fully qualified domain name (FQDN) na inyong ginagamit para sa inyong Unified Messaging na mga server.
- Hub Transport server — Piliin kung gusto ninyong gumamit ng mutual TLS para makatulong na maging ligtas ang Internet mail o kung nais niyong gamitin ang server para sa POP/IMAP na client submission. Para sa alinmang mapili, kinakailangan ninyong ilagay ang FQDN ng inyong server.
- Legacy Exchange Server — Piliin kung nais ninyong gamitin ang inyong legacy domain names at tapos ay ilagay ang domain name na kaugnay sa inyong (mg) legacy server.
- Piliin ang karaniwang pangalan (ag pangunahing pangalan sa sertipiko), i-click ang I-set bilang ang karaniwang pangalan, at pagkatapos ay i-click ang Susunod.
- Kumpletuhin ang mga sumusunod na field, at pagkatapos ay i-click ang Susunod:
- Organization — Ang kumpletong legal na pangalan ng inyong kompanya o organisasyon.
- Organization unit — Ang organisasyon sa loob ng kompanya na responsabile para sa sertipiko.
- Bansa/Rehiyon — Piliin ang bansa kung saan ang organisasyon ay legal na nakarehistro.
- Lungsod/lokalidad — Ang kumpletong pangalan ng lungsod kung saan nakarehistro ang inyong organisasyon.
- Estado/probinsya — Ang kumpletong pangalan ng estado o probinsya kung saan nakarehistro ang inyong organisasyon. Kung wala kayong estado o probinsya, ilagay ang impormasyon ng inyong lungsod.
- I-click ang Browse para i-save ang CSR sa inyong computer.
- Hanapin kung saan ninyo nais i-save ang file, ipasok ang File name, at pagkatapos ay i-click ang Save.
- Mula sa New Exchange Certificate na seksyon, i-click ang Susunod, Bago, at pagkatapos ang Tapos na.
- Hanapin, i-copy, at i-paste ang CSR sa aming online na application.
- Para makakuha ng kopya, i-right click ang .req na file, piliin ang Buksan gamit ang, at pagkatapos ay piliin ang isang text editor tulad ng Notepad.
- I-paste ang lahat ng text, kasama na ang ----SIMULAN ANG BAGONG KAHILINGAN PARA SA SERTIPIKO---- at ----TAPUSIN ANG KAHILINGAN PARA SA SERTIPIKO----, sa aming online request form.
TANDAAN: Kung ang inyong CSR ay para sa isang wildcard na certificate, lumaktaw sa susunod na hakbang.
Para sa higit pang impormasyon kung paano humilin ng isang sertipiko sa aming online request form, tingnan ang Requesting a Multiple Domain UC Certificate o Request an SSL certificate.
TANDAAN: TANDAAN: Bilang isang kagandahang loob, kami ay magkakaloob ng impormasyon kung paano gamitin ang ilang mga ikatlong partido na produkto, pero hindi namin ine-endorso o direktang sinusuportahan ang mga ikatlong partido na produkto at wala kaming pananagutan para sa mga funciton o pagkamaaasahan ng nasabing mga produkto.