Ano ang isang intermediate certificate?
Ang mga intermediate certificate ay ginagamit bilang isang stand-in para sa aming root certificate. Gumagamit kai ng mga intermediate certificate bilang isang proxy dahil kailangan naming itago ang aming root certificate sa likod ng maraming antas ng seguridad, para matiyak na keys nito ay ganap na hindi maaaring ma-access.
Gayunma, dahil ang root certificate mismo ang lumagda sa intermediate certificate, ang intermediate certificate ay magagamit para lumagda sa mga SSL na ii-install ng aming mga customer at mapanatili ang isang "Kadena ng Pagtitiwala".
Pag-install ng Mga Intermediate CertificateMakalipas na maipalabas ang inyong SSL Certificate, kayo ay makakatanggap ng isang email na may link para i-download ang inyong nilagdaaan na certificate at ang aming mga intermediate certificate.
Kung paano ninyo i-install ang mga certificate ay depende sa software ng server na inyong ginagamit. Sa karamihang mga kaso, maaari ninyong i-download at i-install ang isang intermediate certificate bundle. Gayunman, para sa ilang mga uri ng server kailangan ninyong i-download at i-install ang dalawang intermediate certificate nang magkahiwalay. Mangyari lang sumangguni sa Pag-install ng SSL: Mga Tagubilin sa Server para sa partikular na proseso na nais ninyong sundan.
Ang lahat ng aming mga intermediate certificate at mga certificate bundle ay available rin mula sa repository.
TANDAAN: Kung hindi ninyo i-install ang mga intermediate certificate sa inyong ipinalabas na SSL certificate, maaaring hindi matatag ang trusted-chain certificate. Ito ay nangangahulugan na kapag sinubukan ng mga visitor na i-access ang inyong site, maaari silang makatanggap ng isang "Security Alert" na error na nakasaad na "The security certificate was issued by a company you have not chosen to trust… (Ang security certificate ay ipinalabas ng isang kompanya na pinili ninyo na hindi pagkatiwalaan)" Kung maharap sa nasabing mga babala, ang mga posibleng customer ay marahil na dalhin sa iba ang kanilang negosyo.