Pagbuo Ng Isang Certificate Signing Request (CSR) - Apache 2.x
Print this Article
Last Updated:
February 18, 2015 11:50 AM
Sundin ang mga tagubilin na ito para bumuo ng isang certificate signing request (CSR) para sa Apache Web server mo. Kapag nakabuo ka na ng CSR, i-cut/i-copy and paste ito papasok sa field ng CSR sa page ng SSL certificate-request.
Para Bumuo ng isang Certificate Signing Request para sa Apache 2.x
- Mag-login sa terminal ng server (SSH) mo.
- Sa hudyat, i-type ang sumusunod na command:
openssl req -new -newkey rsa:2048 -nodes -keyout yourdomain.key -out yourdomain.csrPalitan ang yourdomain ng domain name na sineseguro mo. Halimbawa, kung ang domain name mo ay coolexample.com, ita-type mo ang coolexample.key at coolexample.csr.
- Ipasok ang hinihinging impormasyon:
- Common Name: Ang ganap na kwalipikadong domain name, o URL, na sineseguro mo.
Kung humihiling ka ng isang Wildcard certificate, maglagay ng (*) sa kaliwa ng common name kung saan mo gustong mapunta ang wildcard, halimbawa *.coolexample.com. - Organisasyon: Ang legal na nakarehistrong pangalan ng negosyo mo. Kung nag-eenroll ka bilang indibidwal, ipasok ang pangalan ng humihiling ng certificate.
- Organization Unit: Kung magagamit, ipasok ang DBA (doing business as) na pangalan.
- Lungsod o Lokal: Pangalan ng lungsod kung saan nakarehistro/naroroon ang organisasyon mo. Huwag daglatin.
- Estado o Lalawigan: Pangalan ng estado o lalawigan kung saan naroroon ang organisasyon mo. Huwag daglatin.
- Bansa: Ang dalawang-titik na International Organization for Standardization (ISO) format na code ng bansa para sa bansa kung saan legal na nakarehistro ang organisasyon.
Kung hindi mo nais na magpasok ng password para sa SSL na ito, maaari mong iwanang bakante ang field na Passphrase. Gayunpaman, unawain na maaaring may mga karagdagang panganib.
- Common Name: Ang ganap na kwalipikadong domain name, o URL, na sineseguro mo.
- Buksan ang CSR sa isang text editor at kopyahin ang lahat ng text.
- I-paste ang buong CSR sa SSL enrollment form sa iyong account.