Pag-Install Sa Isang SSL Certificate - Nginx
Makalipas na maaprubahan ang inyong kahilingan para sa certificate, maaari ninyong i-download ang inyong SSL at intermediate certificate mula sa application ng SSL. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang I-download ang Inyong SSL Certificate. Ang mga file na ito ay dapat na i-install sa inyong Web server.
Maaari rin ninyong i-download ang intermediate certificate bundle mula sa repository.
Para I-install ang SSL at Intermediate na Mga Certificate
- Kopyahin ang inyong SSL certificate file at ang certificate bundle file sa inyong Nginx server.
- Dapat ay mayroon na kayong key file sa server kug saan ninyo nalikha ang inyong kahilingan para sa certificate.
- I-edit ang inyong Nginx configuration bilang sanggunian sa mga file na ito. Ang eksaktong configuration file na inyong ie-edit ay depende sa inyong bersyon ng Nginx, inyong OS platform, o ang paraang ginamit para i-install ang Nginx.
Na-install na ang inyong SSL Certificate. Kung mayroon kayong mga problema, mangyari lang tingnan ang Where can I get information about my SSL's configruation? para makatulong na malutas ang mga isyu.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano i-configure ang inyong Nginx server, basahin ang http://nginx.org/en/docs/http/configuring_https_servers.html#chains.