Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pag-Verify Sa Pag-Aari Mo Sa Domain Para Sa Mga SSL Certificate Request (HTML O DNS)

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:52 AM

Kapag humihiling ng SSL certificate, maaaring hingin namin na i-verify mo na kontrolado mo ang URL na inihihiling mo ng certificate. Para gawin ito, binibigyan ka namin ng isa sa dalawang opsiyon:

Paraan Paano ito gumagana
HTML Page Mag-upload ng isang HTML page taglay ang nilalaman na tinukoy namin sa root directory para sa website mo
DNS Record Lumikha ng isang TXT record na tinukoy namin sa zone (DNS) file ng domain name mo

Mag-click sa isa sa mga sumusunod na link para sa mga tagubilin batay sa impormasyon na ini-email namin sa iyo.

HTML Page

Makatatnggap ka ng email mula sa amin na may lamang unique identifier, na nasa linya ng email gaya nito:

Ang unique ID mo para sa mga paraang ito ay [your unique ID].

Gamit ang isang file gaya ng Notepad (Windows®) o TextEdit (Mac OS®), kakailanganin mong lumikha ng file na pinangalanang unique ID mo.html. Sa loob ng dokumento, ang tanging nilalaman dapat nito ay ang isang linya na nasa unique ID mo. Halimbawa, kung ang unique ID mo ay 12345, ang nilalaman ng file mong 12345.html ay:

12345

Pagkatapos ay kailangan mo i-upload ang file na ito sa root-level directory ng website mo. Gagawin dapat nito itong maa-access sa pamamagitan ng pagpunta sa http://[domain name mo]/[unique ID mo].html/. Kung magkaproblema ka ay naka-host ang website mo sa amin, tingnan ang Mga Troubleshooting Link sa ibaba.

Sa sandaling mai-upload mo ang file at na-verify na naa-access ito sa pamamagitan ng isang Web browser, gamitin ang mga tagubilin na nasa seksiyon na Para I-verify ang Domain Name Mo ng artikulong ito.

Mga Troubleshooting Link

DNS Record

Makatatanggap ka ng email mula sa amin na may TXT value na kailangan mo para makalikha sa DNS zone file ng domain name mo. Hindi makakaapekto ang pagdagdag ng TXT record na ito sa website mo sa anumang paraan; ito'y makikita mo gamit ang isang espesyal na tool na nagsasagawa ng mga DNS lookup.

Malilikha mo lang ang TXT record sa pamamagitan ng kompanya na nagmamay-ari sa mga nameservers na ginagamit ng domain name mo. Kung ang domain name mo ay gumagamit ng mga nameserver, basahin ang Pamamahala sa DNS para sa Mga Domain Name Mo.

Gamitin ang sumusunod na impormasyon para likhain ang TXT record mo:

Field Ano ang ipapasok...
Name (Host) I-type ang DZC.
Value Ipasok ang buong TXT value na ipinadala namin sa iyo.

Sa sandaling malikha mo ang DNS record, gamitin ang mga tagubilin na nasa seksiyon na Para I-verify ang Domain Name Mo ng artikulong ito.

Pagkatapos i-upload ang HTML page o paglikha ng TXT record, kailangan mong ipaalam sa amin para ma-verify namin ang pag-aari mo sa domain name mo.

Para I-verify Ang Pag-aari Mo Sa Domain Name

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. I-click ang Mga SSL Certificate.
  3. Sa tabi ng certificate na nais mong pamahalaan, i-click ang Launch.
  4. Makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon na nasa kanang bahagi ng pahina.