Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pamamahala Sa DNS Para Sa Mga Domain Name Mo

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:52 AM

Gamit ang aming DNS Manager, magagamit mo ang Zone File Editor para magdagdag, mag-edit, at mag-delete ng mga zone file record para sa mga domain name mong nakarehistro sa amin o nakarehistro sa ibang lugar at ginagamit ang aming DNS (Off-site na DNS).

TANDAAN: Magagamit mo lang ang Zone File Editor para pamahalaan ang DNS para sa mga domain name na gumagamit ng mga nameserver namin. Sa ibang salita, kung nakarehistro ang domain name mo rito, dapat na naka-park, naka-forward, o naka-host ito sa amin. Kung nakarehistro ito sa ibang lugar, dapat itong naka-host sa amin o ginagamit ang Off-site DNS namin. Kung gumagamit ang domain name mo ng mga third-party na nameserver, dapat kang makipag-ugnayan sa third party na iyon para i-update ang iyong DNS.

Anumang pagbabago sa DNS na gagawin mo ay maaaring abutin ng hanggang 48 oras para lumitaw sa Internet.

Mga User ng Premium DNS: Sa halip na mga tagubilin na ito, basahin ang Managing Premium DNS for Your Domain Names.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Off-site DNS, basahin ang Managing Domain Names with Off-site DNS.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga zone file at record, basahin ang Domain Name FAQ.

Pag-access sa Zone File

Para sa mga Standard DNS account, maa-access mo ang Zone File mula sa mga Detalye ng Domain ng mga domain name mo ay nakarehistro rito at ginagmit ang mga nameserver namin (hindi kabilang ang CashParking® at Quick Content).

Kung nakarehistro sa ibang lugar ang mga domain name mo at ginagamit ang aming Off-site DNS, gamitin ang mga tagubilin sa Managing Domain Names with Off-site DNS para ma-access ang Zone File Editor.

Para I-access ang Zone File

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. I-click ang domain name na nais mong gamitin.
  4. I-click ang tab na DNS Zone File sa itaas.

I-click ang kaugnay na link para sa uri ng Zone File na nais mong idagdag o i-edit:

Pagdagdag o Pag-edit ng mga A Record

Kinokonekta ng isang A (host) record ang domain name mo sa iyong IP address. Binibigyang kakayahan ng mga A record na mapasok ng mga user ang domain name mo sa isang Web browser para ma-access ang iyong website. Ang mga ito ang pinakakaraniwang uri ng zone record.

Para magdagdag ng isang A Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Magdagdag ng Record.
  2. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang A (Host).
  3. Punan ang mga sumusunod na field:
    • Host Name — Ipasok ang host name kung saan naka-link ang A record. I-type ang @ para ituro ang record nang direkta sa domain name mo, kasama ang www.
    • Tumuturo sa IP Address — Ipasok ang IP address na ginagamit ng domain name mo para sa host record na ito.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  4. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago. Ipinapakita ang bagong A record sa seksiyon sa na A (Host).

Para I-edit ang isang A Record

  1. Sa seksiyon na A (Host) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  2. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Host — Ipasok ang host name kung saan naka-link ang A record. I-type ang @ para imapa ang record nang direkta sa domain name mo, kasama ang www.
    • Tumuturo sa — Ipasok ang IP address na ginagamit ng domain name mo para sa host record na ito.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  3. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pagdagdag o Pag-edit ng mga CNAME Record

Ang isang CNAME (Alias) record ay tumuturo sa isang A (Host) record. Makalilikha ka ng maraming CNAME record at ituro ang mga ito sa isang A record. Ang mga pinakakaraniwang CNAME record ay ang mga subdomain na www at ftp.

Pinadadali ng mga CNAME record na pamahalaan ang DNS data mo. Kung babaguhin mo ang IP address ng isang A record, lahat ng CNAME record na nakaturo sa A record na iyon ay awtomatikong susundin ang bagong IP address. Ang alternatibong solusyon, na maraming A record, ay hindi kasingdali ng paggamit sa mga CNAME record.

Maki-click mo ang Ibalik ang Mga Default sa seksiyon na CNAME (Alias) ng Zone File Editor para ibalik ang mga default na MX record para sa domain name mo.

Para magdagdag ng CNAME Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Magdagdag ng Record.
  2. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang CNAME (Alias).
  3. Punan ang mga sumusunod na field:
    • Magpasok ng Alias Name — Ipasok ang subdomain name para sa itinakdang alias. Halimbawa, i-type ang www.
    • Tuturo sa Host Name — Ipasok ang host name na nais mong ituro ng alias. Halimbawa, i-type ang @ para imapa ang alias nang direkta sa domain name mo.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  4. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago. Ipinapakita ang bagong CNAME record sa seksiyon sa na SNAME (Alias).

Para Mag-edit ng CNAME Record

  1. Sa seksiyon na CNAME (Alias) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  2. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Host — Ipasok ang subdomain name para sa itinakdang alias. Halimbawa, i-type ang www.
    • Tuturo sa — Ipasok ang host name na nais mong ituro ng alias. Halimbawa, i-type ang @ para imapa ang alias nang direkta sa domain name mo.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  3. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pagdagdag o Pag-edit ng mga MX Record

Ang mga mail server ay nagpapadala at tumatanggap ng mga email message sa Internet. Tinutukoy at inuuna ng mga MX (Mail Exchanger) record ang mga server ng pumapasok na mail na tumatanggap ng mga email message na ipinapadala sa domain name mo. Madalas ay hindi kinakailangang baguhin ang mga MX record mo. Kung minsan ay kailangan mong i-update ang mga ito kung nagho-host ka ng website gamit ang isang network ngunit naka-host ang email sa isa pa.

Sa karaniwan, marami kang MX record na nakatalaga sa domain name mo, na makapipigil sa mga pagkawala ng mga email message habang wala ang kuryente. Ang bawat MX record ay may priority, o numero para itakda ang pagkasunod-sunod sa pagtanggap ng mga email message ng mga papasok na mail server ng domain name mo. Ang MX record na may pinakamababang numero ay una, o pangunahin, na mail server kung saan tinatangka ng mga papalabas na mail server na paghatiran ng mga email message mo.

Halimbawa, kung mayroon kang MX0 at MX10, pagkatapos ang MX0 ay ang pangunahing mail server at ang MX10 ay alternatibong mail server. Kung hindi magagamit ang pangunahing mail server mo, iimbak ng alterntibong mail server ang mga email message mo hanggang sa maging online ulit ang pangunahing server.

Maki-click mo ang Ibalik ang Mga Default sa seksiyon na MX (Mail Exchanger) ng Zone File Editor para ibalik ang mga default na MX record para sa domain name mo.

TANDAAN: Hindi mo maise-setup ang domain name mo para gamitin sa higit sa isang mail provider sa bawat pagkakataon. kung mayroon kang email account mula sa isa pang email provider at binago ang MX record mo para ituro sa mga mail server namin, mawawalan ka ng access sa iyong email account.

Para magdagdag ng MX Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Magdagdag ng Record.
  2. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang MX (Mail Exchanger).
  3. Punan ang mga sumusunod na field:
    • Priority — Piliin ang priority na nais mong italaga sa mail server.
    • Host Name — Ipasok ang domain name o subdomain para sa MX record. Halimbawa, i-type ang @ para i-map nang direkta ang record sa domain name mo, o ipasok ang subdomain ng host name mo, gaya ng www o ftp.
    • Ipasok ang Address na Goes To — Ipasok ang address ng mail server, gaya ng smtp.secureserver.net.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  4. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago. Ipinapkita ang mga bagong MX record sa seksiyon na MX (Mail Exchanger).

Para I-edit ang isang MX Record

  1. Sa seksiyon na MX (Mail Exchanger) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  2. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Priority — Piliin ang priority na nais mong italaga sa mail server.
    • Host Name — Ipasok ang domain name o subdomain para sa MX record. Halimbawa, i-type ang @ para i-map nang direkta ang record sa domain name mo, o ipasok ang subdomain ng host name mo, gaya ng www o ftp.
    • Points to — Ipasok ang address ng mail server, gaya ng smtp.secureserver.net.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  3. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pagdagdag o Pag-edit ng mga TXT Record

Ang TXT (Text) record ay isang informational record na magagamit mo para magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa pinangalanang serbisyo. Makagagamit ka ng isang TXT record para magsama ng mga tala tungkol sa isang host, o maifo-format mo ito para magbigay ng teknikal na impormasyon sa mga server. Gamit ang format na name=value , kung saan ang mga character na nauuna sa unang = sign ay ang pangalan at ang lahat pagkatpos ng unang = sign ay ang halaga, makapagpapasok ka ng hanggang 255 character.

TANDAAN: Makalilikha ka ng maraming TXT record, ngunit ang mga pinagsama-samang haba ay hindi maaaring humigit sa 512 character.

Para magdagdag ng TXT Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Magdagdag ng Record.
  2. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang TXT (Text).
  3. Punan ang mga sumusunod na field:
    • TXT Name — Ipasok ang host name para sa TXT record. Halimbawa, i-type ang @ para i-map nang direkta ang record sa domain name mo, o ipasok ang subdomain ng host name mo, gaya ng www o ftp. (Ang field na ito ay may pangalang Host sa seksiyon na TXT (Text) ng Zone File Editor.)
    • TXT Value — Ipasok ang halagang nais mong itakda sa record.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  4. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago. Ipinapakita ang TXT record sa seksiyon sa na TXT (Text).

Para Mag-edit ng TXT Record

  1. Sa seksiyon na TXT (Text) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  2. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Host — Ipasok ang host name para sa TXT record. Halimbawa, i-type ang @ para i-map nang direkta ang record sa domain name mo, o ipasok ang subdomain ng host name mo, gaya ng www o ftp.
    • TXT Value — Ipasok ang halagang nais mong itakda sa record.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  3. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pagdagdag o Pag-edit ng mga SPF Record

Ang isang Sender Policy Framework (SPF) record ay isang uri ng TXT record na nagbibigay-kakayahan sa iyo na partikular na ilarawan ang mga server ng palabas na mail na makapagpapadala ng email mula sa iyong domain name. Magagamit mo ang mga ito para mapigilan ang spam. Kapag nakatanggap ang mga server ng pumapasok na mail ng mga email message mula sa iyong domain name, inihahambing nila ang SPF record sa impormasyon ng server ng palabas na mail. Kung hindi nagtutugma ang impormasyon, kinikilala nila ang email message bilang hindi awtorisado.

Para magdagdag ng SPF record, kailangan mong gamitin ang classic na DNS Manager namin.

Para magdagdag ng isang SPF Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Gamitin ang classic DNS Manager.
  2. I-click ang Magdagdag ng Bagong Record.
  3. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang SPF (Sender Policy Framework).
  4. Para sa Nagpapadala ang domain na ito ng mail sa pamamagitan ng, piliin ang isa sa mga sumusunod na opsiyon:
    • Kami lang — Nagpapadala ng mga email message mula sa mga mail server lang namin.
    • Kami at isang ISP — Nagpapadala ng mga email message gamit ang mga mail server namin at mga mail server ng ISP mo.
    • Isang ISP o iba pang mail provider — Nagpapadala ng email mula sa mga mail server ng ISP mo o mula sa isa pang mail provider.
    • Walang email na ipinapadala mula sa domain na ito — Hindi nagpapadala ng email mula sa panglan ng domain na ito.
  5. Mula sa Inbound tab, gawin ang isa o higit pa sa mga sumusunod:
    • Lahat ng Inbound Server ay Maaaring Magpadala ng Mail — Piliin ang opsiyon na ito para payagan ang anumang server ng pumapasok na mail na magpadala ng mga email message. Karamihan ng server ng papasok na mail ay nagpapadala ng outbound NDR (non-delivery receipt).
    • Pumili ng mga indibiswal na server — Piliin an gmga server ng papasok na mail na pinapayagang tumanggap ng mga email message.
    • Magpasok ng Karagdagang MX Address (isa kada linya) — (Opsiyonal) Magpasok ng karagdagang papasok na MX (Mail Exchanger) address na papayagang tumanggap ng mga email message.
    • Huwag isama ang lahat ng host na hindi tinukoy dito (-lahat) — (Opsiyonal) Piliin ang opsiyon na ito para harangan ang anumang server ng papasok na mail na hindi tinukoy dito na tumanggap ng mga email message.
  6. Mula sa Outbound tab, gawin ang isa o higit pa sa mga sumusunod:
    • Lahat ng Address sa A Records — Piliin ang opsiyon na ito kung ang mga nakalistang IP address sa A records mo para sa domain name ay mga server din ng papalabas na mail.
    • Magpasok ng Karagdagang A Address (isa kada linya) — (Opsiyonal) Magpasok ng karagdagang papalabas na A Address na papayagang magpadala ng mga email message.
    • Huwag isama ang lahat ng host na hindi tinukoy dito (-lahat) — (Opsiyonal) Piliin ang opsiyon na ito para harangan ang anumang server ng papalabas na mail na hindi tinukoy dito na magpadala ng mga email message.
  7. Mula sa PTR tab, gawin ang isa o higit pa sa mga sumusunod:
    • PTR (DNS Lookup) — Piliin ang opsiyon na ito para payagan ang lahat ng server na nagtatapos sa domain mo na magpadala ng mga email message.
    • Magpasok ng Karagdagang PTR Address (isa kada linya) — (Opsiyonal) Magpasok ng karagdagang PTR Address na papayagang magpadala ng mga email message.
    • Huwag isama ang lahat ng host na hindi tinukoy dito (-lahat) — (Opsiyonal) Piliin ang opsiyon na ito para harangan ang anumang server ng papalabas na mail na hindi tinukoy dito na magpadala ng mga email message.

      TANDAAN: Ang isang PTR ay tumutukoy sa pabalik na mga DNS record. Sa isang SPF record, kabilang ang PTR ay nagsasabi sa tumatanggap na SMTP server na gawin ang isang pabalik na DNS lookup sa IP address ng nagpapadalang server at pagkatapos ay asahan ang pagtugma sa tugon nito. Kung magpapasok ka ng mga karagdagang PTR addresse, ang mga tugon na nagtatapos sa mga domain name na iyon ay itinuturing bilang mga balidong tugma.

  8. Mula sa Outsourced tab, gawin ang isa o higit pa sa mga sumusunod:
    • Magpasok ng Mga Outsourced Domain (isa kada linya) — Kung ang isang ISP o iba pang third-party na server ay magpadala ng mga email message mula sa domain name mo, ipasok ang mga third-party na domain name na ginagamit mo.
    • Huwag isama ang lahat ng host na hindi tinukoy dito (-lahat) — (Opsiyonal) Piliin ang opsiyon na ito para harangan ang anumang server ng papalabas na mail na hindi tinukoy dito na magpadala ng mga email message.
  9. I-click ang I-save ang Zone File, at pagkatapos ay i-click ang OK. Ipinapakita ang SPF record sa seksiyon sa na TXT (Text).

Para I-edit ang isang SPF Record

  1. Pumunta sa Zone File Editor para sa domain name na nais mong i-update.
  2. Sa seksiyon na TXT (Text) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  3. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Host — Ipasok ang host name para sa TXT record. Halimbawa, i-type ang @ para i-map nang direkta ang record sa domain name mo, o ipasok ang subdomain ng host name mo, gaya ng www o ftp.
    • TXT Value — Ipasok ang halagang nais mong itakda sa record.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  4. I-click ang I-save ang Zone File, at pagkatapos ay i-click ang OK.

Pagdagdag o Pag-edit ng mga SRV Record

Ang mga SRV (Service) record ay mga resource record na ginagamit para kilalanin ang mga computer na nagho-host ng mga partikular na serbisyo, gaya ng FTP. Halimbawa, maaaring maglabas ang isang client ng hiling para sa SRV Record para hanapin ang host name na nagbibigay ng serbisyo para sa isang partikular na domain name. Maaaring gamitin ang serbisyo sa domain name na iyon o maaaring isa pa ang tumawag dito.

Para Magdagdag ng isang SRV Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Magdagdag ng Record.
  2. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang SRV (Service).
  3. Punan ang mga sumusunod na field:
    • Serbisyo — Ipasok ang pangalan ng serbisyo ng SRV record na ito. Dapat magsimula ang pangalan sa underscore, gaya ng _ldap, _ftp, o _smtp.
    • Protocol — Ipasok ang protocol na ginagamit ng serbisyo. Dapat magsimula ang pangalan sa underscore, gaya ng _tcp o _udp.
    • Pangalan — Ipasok ang host name o domain name kung saan naka-link ang SRV, gaya ng server1. Kung nais mong i-link ang record sa domain name mo, i-type ang @.
    • Priority — Piliin ang priority para sa SRV record. Para sa maramihang record ba may parehong Pangalan at Serbisyo, gagamitin ng mga client ang priority number para matukoy kung aling Target ang unang kokontakin.
    • Weight — Piliin ang weight ng SRV record. Para sa maramihang record ba may parehong Pangalan, Serbisyo, at Priority, gagamitin ng mga client ang weight number para matukoy kung aling Target ang unang kokontakin.
    • Port — Ipasok ang port number para sa serbisyo, gaya ng 80 o 21.
    • Target — Ipasok ang host name ng server na naghahatid ng serbisyo na inilalarawan ng record na ito. Halimbawa, i-type ang ftp.coolexample.com. Ang host name na ito ay dapat na isang A o AAAA ang uri sa DNS zone para sa domain name na naghahatid ng serbisyo.
  4. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago. Ipinapakita ang SRV record sa seksiyon na SRV (Service).

Para I-edit ang isang SRV Record

  1. Sa seksiyon na SRV (Service) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  2. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Serbisyo — Ipasok ang pangalan ng serbisyo ng SRV record na ito. Dapat magsimula ang pangalan sa underscore, gaya ng _ldap, _ftp, o _smtp.
    • Protocol — Ipasok ang protocol na ginagamit ng serbisyo. Dapat magsimula ang pangalan sa underscore, gaya ng _tcp o _udp.
    • Pangalan — Ipasok ang host name o domain name kung saan naka-link ang SRV, gaya ng server1. Kung nais mong i-link ang record sa domain name mo, i-type ang @.
    • Priority — Piliin ang priority para sa SRV record. Para sa maramihang record ba may parehong Pangalan at Serbisyo, gagamitin ng mga client ang priority number para matukoy kung aling Target ang unang kokontakin.
    • Weight — Piliin ang weight ng SRV record. Para sa maramihang record ba may parehong Pangalan, Serbisyo, at Priority, gagamitin ng mga client ang weight number para matukoy kung aling Target ang unang kokontakin.
    • Port — Ipasok ang port number para sa serbisyo, gaya ng 80 o 21.
    • Target — Ipasok ang host name ng server na naghahatid ng serbisyo na inilalarawan ng record na ito. Halimbawa, i-type ang ftp.coolexample.com. Ang host name na ito ay dapat na isang A o AAAA ang uri sa DNS zone para sa domain name na naghahatid ng serbisyo.
  3. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pagdagdag o Pag-edit ng mga AAAA Record

Nagtatago ang mga AAAA record ng mga 128-bit Internet Protocol version 6 (IPv6) address na hindi akma sa karaniwang A-record format. Halimbawa, ang 2001:0db8::85a3:0000:0000:6a2e:0371:7234 ay isang balidong 128-bit/IPv6 address. Minamapa nito ang host name sa isang address na kaugnay ng isang domain name at tinutukoy na dapat iproseso ang mga AAAA record.

Para magdagdag ng isang AAAA Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Magdagdag ng Record.
  2. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang AAAA.
  3. Punan ang mga sumusunod na field:
    • Host Name — Ipasok ang host name o domain name na naka-link sa AAAA record na ito.
    • Tuturo sa IPv6 Address — Ipasok ang 128-bit address.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  4. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago. Ipinapakita ang AAAA record sa seksiyon na AAAA (IPv6).

Para I-edit ang isang AAAA Record

  1. Sa seksiyon na AAAA (IPv6) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  2. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Host — Ipasok ang host name o domain name na naka-link sa AAAA record na ito.
    • Tuturo sa — Ipasok ang 128-bit address.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  3. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pagdagdag o Pag-edit ng mga NS Record

Nagbibigay ang mga NS (Name Server) record sa mga third party nameserver ng pahintulot na pangasiwaan ang DNS para sa mga subdomain mo. Sa bawat zone file, dapat ay may dalawang NS record man lang. Kapag nagdagdag ka ng NS record para sa isang subdomain, ang subdomain at domain name mo ay may magkakaibang zone file sa nameserver ng third-party.

Kung nakarehistro ang domain name mo sa amin, gamitin ang mga sumusunod na tagubilin para i-update ang mga nameserver nito batay sa kung paano mo ginagamit o hino-host ang domain name.

TANDAAN: Pagkatapos mong magdagdag ng mga NS record, patuloy na ipapakita ng DNS mo sa system namin nang hanggang 48 oras. Pagkatapos na lumitaw ang mga update mo, hindi ka na makaka-access sa DNS mo na nasa system namin. Dapat kang makipag-ugnayan sa iyong third-party provider para mag-set up ng tumutugmang zone file para sa domain name upang makagawa ng anumang pag-update sa DNS mo sa hinaharap.

Para magdagdag ng isang NS Record

  1. Sa DNS Zone File, i-click ang Magdagdag ng Record.
  2. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang NS (Name Server).
  3. Punan ang mga sumusunod na field:
    • Host Name — Ipasok ang subdomain na nais mong dagdagan ng NS record.
    • Tuturo sa Host Name — Ipasok ang nameserver na nais mong gamitin para pangasiwaan ang iyong subdomain.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  4. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago. Ipinapakita ang NS record sa seksiyon na NS (Name Server).

Para I-edit ang isang NS Record

  1. Sa seksiyon na NS (Name Server) , sa tabi ng record na nais mong baguhin, i-click ang I-edit ang Record.
  2. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Host — Ipasok ang subdomain na nais mong dagdagan ng NS record.
    • Tuturo sa — Ipasok ang nameserver na nais mong gamitin para pangasiwaan ang iyong subdomain.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  3. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pag-filter ng Mga Record

Maaari mong i-filter ang mga DNS record para sa zone file mo. Halimbawa, magagamit mo ang filter para makita ang mga A record mo lang.

Para Mag-filter ng Record

  1. Pumunta sa tab na DNS Zone File para sa domain name na nais mong i-update.
  2. Sa seksiyon na Filter , piliin ang mga zone record na nais mong tingnan.

Pag-delete ng Mga Record

Sa Zone File Editor, makakapag-delete ka ng mga DNS record na hindi mo na nais gamitin.

Para Mag-delete ng Record

  1. Pumunta sa tab na DNS Zone File para sa domain name na nais mong i-update.
  2. Piliin ang record na nais mong i-delete, at pagkatapos ay i-click ang I-delete.
  3. I-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Pagsuri sa Mga Record Mo

Sa Zone File Editor, masusuri mo ang mga zone file record ng iyong domain name para matiyak na tama ang mga ito. Lilitaw ang mga resulta sa tabi ng bawat zone file record. Kung hindi tama ang isa sa mga record, maaayos mo ito.

Nagsasagawa ang tampok na Check Zone Records ng mga record-level na validation check. Partikular dito, tinitingnan nito ang mga A record mo at tinitiyak na ang mga domain name, subdomain, at forwarded domain name mo ay may mga balidong IP address. Halimbawa, kung lilikha ka ng subdomain sa isang nawawalang IP address, ipinapakita ng window ng mga Zone File Error window ang mga error sa column na Status at nagbibigayng Fix (Ayusin) na opsiyon.

Para Suriin ang Mga Zone File Record ng Domain Name Mo

  1. I-click ang opsiyon na I-edit para pumunta sa Zone File Editor.
  2. Mula sa icon na Marami pa , i-click ang Check Zone Records.

    TANDAAN: Kung walang taglay na error ang mga record mo, may lilitaw na mensaheng Tagumpay . Kung may taglay na error ang record, i-click ang Fix para ayusin ang problema.

  3. Repasuhin ang mga resulta ng zone file record, at pagkatapos ay i-click ang Isara.