FAQ Para Sa Pangalan Ng Domain
Ano ang Pangalan ng Domain?
Ang pangalan ng domain, tulad ng www.coolexample.com, ay parang isang address para sa isang bahay o negosyo. Gamitin natin ang White House bilang isang halimbawa. Ang address, 1600 Pennsylvania Avenue, ay isang eksaktong lokasyon — tulad ng isang IP address Maaaring alam ninyo ang eksaktong address, pero kapag bumisita kayo sa Washington, D.C, maaari ninyong sabihin sa driver ng taksi na gusto ninyong makita ang White House at makakarating pa rin kayo doon. It ang paraan kung paano ginagamit ang pangalan ng domain: Ito ay isang madaling paraan para maabot ang eksaktong lokasyon ng isang website ng hindi kinakailangan tandaan ang address nito.
Ang pangalan ng domain ay binubuo ng, kahit man lang, isang top-level at second-level na domain. Ang top-level domain (TLD) ay bahagi ng pangalan ng domain na matatagpuan sa kanan ng tuldok ("."). Ang mga pinakakaraniwang TLD ay .com, .net, at .org.
Maraming mga domain, na tinatawag rin na mga extension, ay maaaring irehistro ng sinuman, tulad ng .com, .net, at .org. Ang second-level domain (SLD) ay ang bahagi ng pangalan ng domain na matatagapuan sa iisang lugar sa kaliwa ng tuldok at extension ng pangalan ng domain. Halimbawa, ang SLD sa coolexample.com ay coolexample.
Paglalarawan sa Advanced ng Pangalan ng Domain: Ang pangalan ng domain ay kumakatawan sa isang pisikal na punto sa Internet — isang IP address. Ang Internet Corporation for Assigned Names and Numbers (ICANN) ay namamahala sa koordinasyon ng mga link sa pagitan ng mga IP address at mga pangalan ng domain sa Internet. Sa ginawang standard na koordinasyon na ito, maaari ninyong mahanap ang mga website sa Internet sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pangalan ng domain sa halip na IP address sa inyong web browser.
Ano ang isang IP address?
Ang IP (Internet Protocol) address ay isang bukod tanging nagkikilalang string ng mga numero, tulad ng 216.27.61.137, na binibigay sa bawat indibiduwal na compputer, server, at network sa Internet. Tulad ng isang plaka ng sasayan na ginagamit para makatulong na kilalanin ang mga sasakyan, ang IP address ay ginagamit para kilalanin at matagpuan ang impormasyon online. Bilang karagdagan, nagpapahintulot sila ng komunikasyon sa internet sa pagitan ng mga device at network na nakakonekta sa Internet.
Ano ang 'www' bago ang pangalan ng aking domain?
Ang www bago ang pangalan ng inyong domain ay isang subdomain, na hindi bahagi ng domain mismo. Samakatuwid, kung inyong i-set up ang inyong www CNAME rekord sa isang punto sa inyong primary A rekord, ang inyong site ay lulutas sa parehong www.coolexample.com at coolexample.com.
Kung maaabot ninyo ang website sa pamamagitan ng pag-type ng inyong domain ng wala ang www ngunit hindi ito maabot kapag inyong na-type ang www, sa gayon ang inyong CNAME ay maaaring i-set up nang mali. Sundan ang mga instruksyon sa ibaba para matiyak na ang mga setting ng inyong pangalan ng domain ay tama.
Paano gumagana ang mga domain?
Kapag inilagay ng mga visitor ang pangalan ng inyong domain sa isang Web browser, hinihiiling ng browser ang pangalan ng inyong domain para hanapin ang nauugnay na IP address ng pangalan ng domain, at samakatuwid, pati iyong sa website. Gumagamit ang mga tao ng mga pangalan ng domain sa halip na mga IP address dahil mas madaling tandaan ang pangalan kaysa isang serye ng mga numero.
Ang pangalan ng inyong domain at ang kaugnay na mga IP address nito ay naka-store sa isang iisang database kasama ng bawat iba ppang domain at nauugnay na IP address na magagamit sa pamamagitan ng Internet.
Ano ang URL?
Ang URL, o Uniform Resource Locator, ay ang address ng isang website sa Internet o webpage. Isipin na ang isang URL ay ang address para sa lokasyon ng impormasyon sa Internet. Halimbawa, ang kumpletong URL ay tulad ng http://coolexample.com/music, ay nagtuturo sa inyo sa pahina ng musika ng coolexample.com na website.
Tingnan ang balangkas ng URL na ito para lubos pang maintindihan kung paano nila dinadala ang mga online user sa isang partikular na impormasyon: http://coolexample.com/funky/music.html
http:// = protocol
coolexample = domain name
.com =TLD
/funky/music.html = path
/funky/ = directory
/music.html = file name
Ano ang nameserver?
Ang mga nameserver ay ang katumbas sa Internet ng mga direktoryo (phone book). Ang nameserver ay nagtatabi ng isang direktoryo ng mga pangalan ng domain na katugma sa ilang mga IP address (mga computer). Ang impormasyon mula sa lahat ng mga nameserver sa buong Internet ay nililikom sa isang central registry.
Ginagawang posible ng mga nameserver para sa mga visitor na ma-access ang inyong website gamit ang isang kilalang pangalan ng domain, sa halip na tandaan ang isang serye ng mga numero.
Anong gagawin ko sa aking domain sa sandaling narehistro na ito?
Ang pagrerehistro ng pangalan ng domain ay hindi awtomatikong pagaganahin ang isang website na ipinapakita kapag inilagay ng mga visitor ang pangalan ng inyong domain sa isang web browser. Ang pangalan ng domain ay dapat may hosted website na kinabibilangan ng numeric na address, na tinatawag na IP address, para ma-access ng mga visitor ang website gamit ang inyong pangalan ng domain.
Maliban sa pagset-up ng isang website, may ilang mga bagay na magagawa ninyo sa pangalan ng inyong domain sa sandaling narehistro na ninyo ito.
- Ibenta ito — Matuturing na isang mabuting pamumuhunan ang mga pangalan ng domain Kung kayo ay may nakarehistrong pangalan ng domain na hindi ninyo ginagamit, baka may ibang puwedeng gumamit nito. Maaari ninyong Ibenta ang isang naka-park na page para mapahintulutan ang mga visitor na malaman na ito ay available — at huwag kalimutan na idagdag ang inyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Basahin ang What is the domain aftermarket? para sa karagdagang impormasyon.
- Protektahan ang inyong brand online — Mas marami kayong irehistro na domain, mas mainam. Iwasan na irehistro ng iba ang isang katulad na pangalan ng domain tulad nang sa inyo. Ang mga magkakatulad na pangalan ng domain na ito ay maaaring manakaw o malito ang inyong mga customer. Ano ang inyong magagawa sa lahat ng mga pangalan ng domain na ito? I-forward ang mga ito sa website ng inyong pangunahing pangalan ng domain. Basahin ang Manually Forwarding or Masking Your Domain Name para sa karagdagang impormasyon.
- Itabi lang Ito — Marahil ay hindi pa kayo nakakapagpasya kung ano ang gagawin sa inyong bagong pangalan ng domain. Huwag mag-alala — hindi kailangang magmadali. Maaari ninyo itong iwan na naka-park sa amin sa buong tinagal ng inyong pagrerehistro.
Bakit ako dapat magparehistro ng higit sa isang pangalan ng domain.
Kung iniisip ninyong magparehistro ng higit sa isang pangalan ng domain, tama ang inyong naiisip. Ang pagrerehistro at paggamit ng maraming mga pangalan ng domain ay mahusay sa pagtatatag ng inyong brand, at paglikha ng isang dinamikong online na pagkakakilanlan.
Kapag nagrehistro ka ng maraming domain name, maaari ninyong:
- Mapigil ang inyong kalaban na iparehistro ang isang katulad na pangalan ng domain na hihikayat sa mga customer patungo sa kanila sa halip na sa inyo.
- I-promote ang iba't ibang mga produkto at serbisyo na inyong inihahandog
- Magdala ng mas maraming trapiko sa iyong Web site.
- Mag-enjoy ng mas maraming mga oportunidad para ma-market - at malista sa - mga search engine.
- Lumikha ng bukod tanging mga estratehiya sa advertising para maabot sa iba't ibang mga target market.
- Magkaloob sa mga customer ng mas maraming paraan para mahanap kayo habang nagsasagawa ng paghahanap sa Internet.
- Kuni ang mga karaniwang maling pagkakasulat sa pangalan ng inyong domain, sa halip na ipadala ang mga visitor sa isang error page.
- Protektahan ang iyong brand at pagkakakilanlan sa online
Kailan ko puwedeng iparehistro ang isang nag-expire nang domain name?
Karaniwan, ang pangalan ng domain ay hindi available para sa paunang pagrerehistro sa sandaling nag-expire na ito. Ang karamihan sa mga registrar ay nagpapahintulot ng isang panahon ng palugit na maaaring kasing iksi ng isa o dalawang linggo o hanggang isang taon para sa mga nagrerehistro para ma-renew ang isang nag-expire nang pangalan ng domain. Ang aktuwal na panahon ng palugit ay maaaring iba para sa iba't ibang indibiduwal na registrar at extension sa pangalan ng domain. Iyon ay, ang panahon ng palugit para sa isang .com na pangalan ng domain ay maaaring iba mula sa panahon ng palugit para sa .us na pangalan ng domain, kahit na pareho ang registrar.
Makalipas ang panahon ng palugit ng registrar, ang karamihang mga pangalan ng domain ay may ibang panahon ng redemption. Ang panahong ito ay maaaring tumagal mula dalawang linggo hanggang 30 araw, at, sa panahong ito ang kasalukuyang registrant ay maaaring mag-renew sa pangalan ng domain sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang redemption fee kasama ng kaukulang bayad sa pagpapa-renew ng pangalan ng domain.
Kung ang kasalukuyang nagrerehistro ay hindi nag-renew o kinuha ang pangalan ng domain, maaari itong i-auction. Kapag ang pangalan ng domain ay ipinalabas sa isang pampublikong auction, maaari kayong sumali at posibleng makuha ang pangalan ng domain sa pamamagitan ng pagbi-bid dito.
Kung ang pangalan ng domain ay hindi na-renew, nakuha, o nabili sa pamamagitan ng auction, ito ay isasauli sa registry. Magpapasya ang registry kung ang pangalan ng domain ay ipapalabas muli para sa pagpaparehistro. Sa sandaling naipalabas ito, maaari ninyong irehistro ang pangalan ng domain sa pamamagitan namin.
Tandaan: Ang nagrerehistro ay maaaring ipa-renew ang isang nag-expire nang pangalan ng domain nang walang dagdag na bayad na hanggang sa araw 18. Kung kanilang i-renew ang isang nag-expire nang pangalan ng domain kahit kailan sa pagitan ng araw 19 at araw 42, kailangan rin nilang magbayad ng $80.00 na redemption fee. Ang pangalan ng domain ay hindi maaaring ma-renew makalipas ang araw 42.