Paano kung magkamali ako sa pagbaybay (spelling) ng domain name ko sa pagrehistro ko rito?
Print this Article
Last Updated:
February 17, 2015 6:54 AM
Sa kasamaang-palad, hindi namin mababago o mae-edit ang pagkakabaybay (spelling) ng domain name pagkatapos mong irehistro ito. Inirerehistro namin ang domain name sa saktong pagkakapasok mo rito. Kapag nagtagumpay ang pagrehistro, sisingilin ka, kahit pa ang domain name na ipinasok mo ay hindi ang binalak mong i-type.
May opsiyon ka na ikansela ang mga domain name upang hindi na nakarehistro ang mga ito sa iyo. Tandaan na hindi ginagarantiya ng pagkansela ang pagbalik sa anumang bahagi ng iyong registration fee, at ito ay isang permanenteng aksiyon. Maaari mong subukan na bilhin ang tumpak na domain name, kung magagamit ito.