Anong mga factor ang nakaka-apekto sa oras ng propagation sa DNS?
Kapag inyong na-update ang DNS (Domain Name System) na mga rekord sa zone file ng inyong pangalan ng domain, maaaring tumagal ng hanggang 48 oras para ma-propagate ang mga update na iyon sa buong Internet. Habang nagsusumikap kami na mapadali ang mga update na ito hangga't maaari, ang oras ng propagation ng DNS para sa pangalan ng inyong domain ay depende sa maraming factor na hindi namin nakokontrol.
TANDAAN: Ang maraming mga update na magagawa ninyo sa Tagapamahala ng Domain ay makaka-apekto sa mga rekord ng DNS sa zone file ng inyong pangalan ng domain. Halimbawa, kung i-set ninyo ang mga nameserver, paganahin ang forwarding o masking, paganahin ang DNSSEC (Domain Name System Security Extensions), i-set ang mga host at IP address, lumikha ng mga mobile website, o paganahin ang CashParking®, ina-update ninyo ang zone file ng inyong pangalan ng domain.
Ang mga factor na nakaka-apekto sa oras ng propagation ng DNS ay kinabibilangan ng:
- Inyong TTL (Time to Live) na mga setting — Maaari ninyong i-set ang TTL para sa bawat rekord ng DNS sa zone file ng inyong pangalan ng domain. Ang TTL ay ang takdang panahon na kung saan inilalagay sa cache ng mga server ang impormasyon para sa inyong mga rekord sa DNS. Halimbawa, kung i-set ninyo ang TTL para sa isang partikular na rekord ng isang oras, itinatabi ng mga server ang impormasyon para sa nasabing rekord sa isang lugar lang ng isang oras bago kuhanin pabalik ang na-update na impormasyon mula sa inyong namamahalang nameserver. Ang mas maiksing mga TTL setting ay magpapabilis sa propagation. Gayunman, ang mas maiksing mga setting ay nagpaparami rin sa mga katanungan sa inyong namamahalang nameserver, at ang tumaas na load na iyon ay nagpapahina sa oras ng pagproseso sa inyong server.
- Ang Inyong ISP (Internet Service Provider) — Inilalagay ng inyong ISP sa cache ang mga rekord ng DNS (itinatabi ang data sa iisang lugar kaysa sa pagkukuha pabali ng fresh data mula sa inyong DNS server) para mapabilis ang pag-browse sa Web at mabawasan ang trapiko, na nagpapabagal sa inyong oras ng propagation. Ang ilang mga ISP ay hindi pinapansin ang mga settin ng TTL at ina-update lang ang kanilang nasa cache na mga rekord tuwing dalawa hanggang tatlong araw.
- Ang registry ng inyong pangalan ng domain — Kung baguhin ninyo ang mga nameserver ng inyong pangalan ng domain, aming ire-relay ang inyong kahilingan sa pagbabago sa registry sa loob ng ilang minuto, at ilalathala nila ang inyong namamahalang NS (nameserver) na mga rekord sa kanilang root zone. Ang karamihan sa mga registry ay nag-aayos sa oras ng kanilang mga zone. Halimbawa, inire-refresh ng VeriSign ang mga zone para sa .com na mga pangalan ng domain tuwing tatlong minuto. Gayunman, hindi lahat ng mga registry ay nagsasagawa ng mga update ng ganoon kabilis. Ang mga registry ay madalas na pinoprotektahan ang kanilang mga root nameserver mula sa sobrang paggamit sa pamamagitan ng pagtatakda ng mataas na TTL na hanggang 48 oras o higit pa para doon sa mga NS na rekord. Dagdag pa dito, kahit na ang mga umuulit na nameserver ay hindi inilalagay sa cache ang root NS na mga reord, ang ilang mga ISP ay inilalagay sa cache ang impormasyon, na magreresulta sa isang mas mahabang oras ng propagation ng nameserver.