Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Ano ang DNS?

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:51 AM

Ang Domain Name System (DNS) ay nagkakaloob sa mga visitor ng access sa mga website gamit ang mga pangalan ng domain kaysa mga IP address.

Paano gumagana ang mga DNS?

Isinasalin ng DNS ang human speak (mga pangalan ng domain) sa mga computer speak (mga IP address). Ang mga pangalan ng domain at text based na mga pangalan na ginagamit para kilalanin ang isang website o lokasyon sa internet. Ang mga IP address ay mga string ng mga numero na ginagamit ng bawat computer na nakakonekta sa Internet para kilalanin ang lokasyon ng website at makipag-ugnayan sa iba pang mga computer at Web server.

Ang DNS ay nagsasalin ng mga text based na website o identifier ng lokasyon na pinapasok ng isang visitor sa base sa numero na IP address ng nauugnay na website o lokasyon sa Internet. Halimbawa, coolexample.com ay pangalan ng isang domain. 208.109.80.196 ay isang IP address na nauugnay sa coolexample.com. Isinasalin ng DNS ang pangalan ng domain na coolexample.com sa IP address na 208.109.80.196.

Gamit ang DNS, maaari tayong maglagay ng madaling matandaang text based na pangalan ng domain at maabot ang nababasa ng machine na mga internet address.

Paano nalalaman ng DNS kung aling IP address ang gagamitin?

Ang bawat pangalan ng domain ay itinatabi ang mga impormasyon ng DNS nito sa isang zone file. Ang malalaking koleksyon ng mga zone file para sa iba't ibang mga pangalan ng domain na nakatabi sa mga nameserver. Ang mga pangalan ng domain ay tumuturo sa mga nameserver para matagpuan ang kanilang mga zone file — para gawin ito, ang pangalan ng domain ay dapat na tumuro sa nameserver na hawak ang tiyak na zone file.

Paano ko malalaman kung aling nameserver ang gagamitin?

Kapag kayo ay nagrehistro ng isang pangalan ng domain sa amin, awtomatiko nang ipa-park ang pangalan ng domain at itatakda ang nameserver nito sa aming mga parking server Kung paganahin niyo ang pangalan ng domain o magsagawa ng mga pagbabago sa pagho-host ng inyong website, ang inyong hosting company ay nagkakaloob sa nameserver ng mga pangalan o mga IP address kung saan matatagpuan ang zone file ng inyong pangalan ng domain. Gamitin ang impormasyong ito para ma-update ang mga setting ng inyong pangalan ng domain sa inyong registrar. Sa sandaling na-update na ninyo ang mga nameserver o mga IP address, bigyan ng 24 hanggang 48 oras para ma-propagate ang bagong impormasyon sa pamamagitan ng Internet, at tapos maaabot ng mga visitor ang inyong website gamit ang inyong pangalan ng domain.