Paglipat Ng Inyong WordPress Site Sa Amin Mula Sa Ibang Host
May iba't ibang paraan para ilipat ang inyong WordPress® site sa pagitan ng mga host. Ang opsyon na ito ay naglilipat ng mga tema, post, pahina, komento, pahina, plugin, mga custom field, mga kategorya, at mga tag. Kung ang URL ng inyong WordPress site ay nananatiling pareho pa rin, aming inirerekumenda na gamitin ang paraan na ito para ilipat ito.
Bago kayo magsimula, kailangan ninyong:
- Pag-access sa inyong kasalukuyang phpMyAdmin account
- FTP access sa inyong kasalukuyang WordPress site.
- Access sa mga DNS setting para sa pangalan ng inyong domain
- Ang isang aktibong Web Hosting account sa amin (inirerekumenda ang Linux)
1. Para Ma-download ang Inyong Kasalukuyang Site mula sa Ibang Hosting Company
Para ma-export at ma-download ang mga blog ng WordPress mula sa inyong kasalukuyang host, kailangan ninyong i-back up ang inyong kasalukuyang database at magkaroon ng access sa mga file ng WordPress sa inyong kasalukuyang server.
Para Ma-download ang Inyong Kasalukuyang Site mula sa Ibang Hosting Company
- Mag-log in sa inyong account sa ibang hosting company at gumawa ng isang MySQL export mula sa inyong phpMyAdmin screen. Maaaring kailanganin ninyong basahin ang kanilng mga artikulo ng tulong (help) o makipag-ugnayan sa kanila para magawa ang hakbang na ito. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang WordPress codex.
- I-save ang export file ng MySQL sa inyong local machine.
- Ikonekta ang dati mo nang hosting account gamit ang File Transfer Protocol (FTP). Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang What is File Transfer Protocol (FTP)? at Upload files to your website (FTP)
- Mag-download ng kopya ng inyong mga website file sa WordPress, kasama ang tatlong pangunahing folder ng WordPress: wp-admin, wp-content at wp-includes. Kailangan ninyong i-download ang lahat ng mga root file. Karaniwang may wp- ang mga ito sa pangalan
2. Pagse-setup ng Inyong Bagong Hosting Account
Para i-import at i-upload ang inyong blog sa WordPress sa aming mga server, kailangan ninyong i-access ang bagong hosting server at database.
Para I-set Up ang Inyong Bagong Hosting Account
- I-set up ang WordPress sa inyong hosting account, kung hindi pa ito nagagawa. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang at Install WordPress.
- Isulat ang MySQL Name/Username at Password. Kakailanganin ninyo ito mamaya.
- Isulat ang host ng inyong MySQL database. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang at Viewing Your Database Details with Shared Hosting Accounts.
- Sa inyong local machine, buksan ang naunang na-save na folder na naglalaman ng mga file ng website ng WordPress.
- Hanapin ang wp-config.php file sa root directory ng inyong WordPress folder, at pagkatapos ay buksan ito gamit ang text editor program tulad ng Notepad.
- Hanapin ang sumusunod na string ng code:
/** The name of the database for WordPress */
define('DB_NAME', 'CoolExample'); /** MySQL database username */
define('DB_USER', 'CoolUsername'); /** MySQL database password */
define('DB_PASSWORD', 'CoolPassword'); /** MySQL hostname */
define('DB_HOST', 'CoolHostname'); - Palitan ang Pangalan ng Database, tulad ng nakikita dito na CoolExample ng Pangalan ng Database/Username na nilikha ninyo sa mga naunang hakbang. Tiyain na itabi ang mga single quote sa unahan at hulihan ng pangalan na inyong na-type.
- Palitan ang Pangalan/Username ng Database, tulad ng nakikita dito na CoolUsername ng Pangalan ng Database/Username na nilikha ninyo sa mga naunang hakbang. Tiyain na itabi ang mga single quote sa unahan at hulihan ng pangalan na inyong na-type.
- Palitan ang Password ng Database, tulad ng nakikita dito na CoolPassword ng Password ng Database na nilikha ninyo sa mga naunang hakbang. Tiyain na itabi ang mga single quote sa unahan at hulihan ng pangalan na inyong na-type.
- Palitan ang Hostname ng Database, tulad ng nakikita dito na CoolHostName ng Hostname ng Database na nilikha ninyo sa mga naunang hakbang. Tiyain na itabi ang mga single quote sa unahan at hulihan ng pangalan na inyong na-type.
- I-save ang file na ito sa inyong computer bilang wp-config.php.
- Mag-upload ng kopya ng mga file ng inyong website sa root directoy ng website ng WordPress. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang at Upload files to your website (FTP).
TANDAAN: Iyong ina-upload ang mga file ng inyong website na inyong na-save sa inyong computer kanina mula sa inyong ibang host. Huwag i-upload ng folder na naglalaman ng inyong website. Tiyakin na na-upload lang ninyo ang lahat ng mga file sa loob ng folder.
3. Pagre-restore sa Inyong Database
Para makumpleto ang paglilipat, kailangan ninyong i-import ang database mula sa inyong lumang hosting account patungo sa bagong account ninyo. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang at Import SQL files into MySQL databases.