Pag-Setup Sa Hosting Account Mo
Pagkatapos mong bumili ng hosting plan, kailangan mo itong i-setup bago mo ito magagamit para i-host ang website mo.
Para I-setup ang Hosting Account Mo.
- Mag-log in sa Account Managermo.
- I-click ang Web Hosting o Pinamamahalaang WordPress.
I-click ang isa sa mga sumusunod, batay sa uri ng hosting na mayroon ka. Makikilala mo ito sa pamamagitan ng ikalawang salita sa paglalarawan ng hosting mo sa ilalim ng domain name ng hosting account mo, hal. Deluxe Web ay nangangahulugang Web/Classic (Hosting Control Panel).
Web/Classic (Hosting Control Panel)
- Sa tabi ng hosting account na nais mong gamitin, i-click ang Ilunsad.
- Piliin o ipasok ang domain name na nais mong gamitin.
- I-click ang I-upload Ang Site Mo. Kung kailangan mo ng anumang tulong, silipin ang paksang ito.
Kung interesado ka sa WordPress®, basahin ang Setting Up Your WordPress Hosting Account. - Kung hindi kasalukuyang nakarehistro ang domain name rito, piliin ang mga opsiyon mo sa paglipat.
- Kung hindi nakaturo ang domain name mo papunta sa mga DNS server namin, ayusin ang mga problema o laktawan ang hakbang na ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa hosting account mo, basahin ang Hosting Account Getting Started Guide.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit ng FTP, basahin ang Upload files to your website (FTP).
Linux (cPanel)
Babaguhin ng pag-setup sa cPanel na naka-share na hosting account ang mga DNS record ng domain name mo. Nangangahulugan ito na ang dati mong website at mga email address ay maaaring huminto sa paggana. Kung hindi ka tiyak kung maaapektuhan nito ang website mo o hindi, makipag-ugnayan sa support department namin.
- Sa tabi ng hosting account na nais mong gamitin, i-click ang Ilunsad.
- Punan ang mga field na nasa screen, at pagkatapos ay i-click ang Tapusin.
Magagamit mo ang Username ng Bagong cPanel at Password ng Bagong cPanel na lilikhain mo para mag-log nang direkta sa cPanel sa http://coolexample.com/cpanel, kung saan ang coolexample.com ay ang domain name mo.