Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pag-Troubleshoot Sa Mga Koneksyon Sa FileZilla FTP

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:51 AM

Kung nagkakaproblema kayong makapagtatag ng isang koneksyon sa FTP sa inyong hosting account gamit ang FileZilla, tingnan ang impormasyon sa ibaba para matulungan kayong malutas ang inyong problema.

Hindi tamang Password

Kung mali ang password na inyong inilagay sa inyong hosting account, ipinapakita ng FileZilla ng sumusunod na error:

Command: PASS **********
Sagot: 530 Login authentication failed
Error: Critical Error
Error: Hindi makakonekta sa server

Para mawasto ang isyu na ito, basahin ang Pagbago sa Password at Username ng Iyong Hosting Account (FTP/Panel).

Hindi tamang User Name

Kung hindi kayo maglagay ng tamang user name, hindi magpapakita ang FileZilla ng isang bukod tanging error.

Gayunman, kung hindi kayo sigurado sa user name ng account na nagho-host, mahahanap ninyo ito gamit ang impormasyon sa Paghanap sa Hosting/FTP Login o User Name Mo.

Hindi tamang Impormasyon ng DNS

Ang pangalan ng inyong domain ay dapat na tumuro sa inyong account sa pagho-host. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pagtuturo ng DNS A record ng inyong pangalan ng domain sa IP address ng inyong account sa pagho-host. Kung hindi ninyo alam tiyak kung ano ang kahulugan nito, huwag mag-alala. Magagamit ninyo ang impormasyong ito para matingnan ang isyu.

Para Tingnan ang Impormasyon sa DNS ng Inyong Pangalan ng Domain

  1. Hanapin at itala ang IP address ng inyong account sa pagho-host. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang Paghanap sa IP Address ng Hosting Account Mo.
  2. Tingnan ang A rekord ng inyong pangalan ng domain, at baguhin ito kung kinakailangan. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang o Creating or Editing "A Records". Dapat ay hanapin ninyo ang A (Host) rekord sa@ sa Host na hanay nito. Dapat ay katugma nito ang IP address ng inyong account sa pagho-host.

Iba pang mga Isyu sa Koneksyon sa DNS

Maaaring may iba pang mga isyu na nakaka-apektosa inyong kakayahang makakonekta sa inyong account sa pagho-host gamit ang FileZilla na malulutas ninyo gamit ang ibang value kaysa sa inyong Host sa FileZilla.

Subukan na ilagay ang sumusunod bilang inyong Host sa FileZilla, sa halip na inyong pangalan ng domain (sa bawat halimbawa, palitan ang coolexample.com ng inyong pangalan ng domain):

  • Ang IP address ng inyong account sa pagho-host. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang o Paghanap sa IP Address ng Hosting Account Mo.
  • ftp.coolexample.com
  • ftp://coolexample.com
  • ftp://your IP address, for example, ftp://1.1.1.1