Pamamahala Sa Mga Domain Ng Hosting Account Mo
Print this Article
Last Updated:
February 17, 2015 7:17 AM
Pagkatapos mong i-setup ang hosting account mo, mapapamahalaan mo ang mga domain na ginagamit nito:
Aksiyon | Paglalarawan |
---|---|
Magdagdag ng Mga Domain | Magdagdag ng mga domain sa account mo para mag-alias sa dati mo nang website o mag-host ng mga ganap na hiwalay na website. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Adding Domain Names to Your Hosting Account. |
Alisin ang Mga Domain | Alisin ang mga domain na idinagdag mo ngunit hindi mo na gustong gamitin sa hosting account na ito. Binibigyan ka nito ng kakayahan na maglipat ng mga domain sa pagitan ng mga hosting account. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Remove domains. |
Palitan ang Pangunahing Domain | Ang pagbago sa pangunahing naka-host na domain ay nagbibigay-kakayahan sa iyo na mag-host ng ibang website sa root folder ng hosting account mo. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Change your account's domain. |
Palitan ang Mga Folder ng Secondary Domains |
Ang mga secondary domain ay makagagamit ng mga folder bukod pa sa root ng hosting account bilang root para sa mga website nila — mababago mo kung aling mga folder ang gagamitin ng mga ito sa anumang oras. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Change a secondary domain's root folder. |
Magdagdag ng Subdomain | Ang mga subdomain ay para sa mga website na gumagamit ng anumang nasa harapan ng domain mo bukod pa sa www. Halimbawa, sa blog.coolexample.com, ang blog ay isang subdomain. Para mag-host ng website gamit ang isang subdomain, basahin ang Manage your hosting account subdomains. Kung nais mong gumamit ng isang subdomain na naka-host sa ibang lugar bukod sa account mo, malamang ay naisin mong gumamit ng mga DNS entry, gaya ng mga A Record o mga CNAME (marami pang info). |