Pag-Install Sa Isang SSL Certificate Sa Apache (CentOS)
Pagkatapos na maaprubahan ang hiling mong certificate, maaari mong i-download ang SSL at intermediate certificate mo mula sa loob ng SSL application. Para sa karagdagang impormasyon basahin ang Pag-download sa SSL Certificate Mo. Dapat ay naka-install ang parehong mga file na ito sa Web server mo.
Hindi iiral ang mga tagubilin na ito sa mga Ubuntu server na nagpapatakbo ng Apache.
Maaari mo rin idownload ang intermedate na certificate bundle mula sa repository.
Para mag-install ng SSL at mga Intermediate Certificate
- Ikopya ang SSL certificate file at certificate bundle file mo sa iyong Apache server. Dapat ay mayroon ka nang key file sa server mula noong ginawa mo ang kahilingan para sa certificate.
- Hanapin ang mga sumusunod na direktiba sa alinman sa iyong
httpd.conf
ossl.conf
file (kung aling mga file ang ginagamit mo ay nakadepende nang husto sa kung paano naka-configure ang Apache mo). Kung ang isa o higit pa sa mga ito au kasalukuyang naka-comment out, i-uncomment ang mga ito sa pamamagitan ng pagtanggal sa character na#
mula sa simula ng bawat linya. Itakda ang mga halaga ng mga direktibang ito sa saktong path at filename ng naaangkop na file, batay sa bersiyon ng Apache mo:Apache Version < 2.4.8 Directiba Path na Ipapasok SSLCertificateFile Path ng Certificate file SSLCertificateKeyFile Path ng Key file SSLCertificateChainFile Path ng Intermediate bundle Apache Version 2.4.8+ Directiba Path na Ipapasok SSLCertificateFile Path ng Certificate file SSLCertificateKeyFile Path ng Key file SSLCACertificatePath Path ng Intermediate bundle - I-save ang configuration file mo at i-restart ang Apache.
Para I-restart ang Web Server Mo
Ang pamamaraan sa pag-restart ng Apache ay nakabatay nang husto sa OS platform mo. Sa mga mala-Unix na platform (Linux, Solaris, HP-UX, atbp.) karaniwang magpapatakbo ka ng script para ihinto at paandarin ang httpd daemon. Sa Windows, karaniwang ihihinto at muli mong paaandarin ang serbisyong Apache sa administrative console ng Services. Kumonsulta sa manwal ng OS o sa mga dokumento ng Apache.
Naka-install na ang SSL Certificate mo. Kung may mga problema ka, pakibasa ang Where can I get information about my SSL's configruation? para makatulong sa pagtukoy ng mga problema.