Pag-Install Ng SSL Certificate Sa Microsoft IIS 7
Pagkatapos mong hilingin ang certificate sa aming online na application at handa na ito para i-install, dapat mong i-download ang mga file na ibibigay namin.
Sa sandaling mai-download mo ang mga file, i-install ang intermediate certificate sa iyong Microsoft® IIS 7 server. Maaari mo rin idownload ang intermedate na certificate mula sa
Pagkatapos, para i-install ang pangunahing SSL certificate, dapat mong tapusin ang nakabinbin na hiling, at pagkatapos ay i-bind ang certificate sa website mo.
Para mag-install ng Intermediate Certificate sa Microsoft IIS 7
- I-click ang Start, at pagkatapos ay i-click ang Run....
- I-type ang mmc, at pagkatapos ay i-click ang OK. Magbubukas ang Microsoft Management Console (Console) window.
- Sa Console1 window, i-click ang File menu, at pagkatapos ay piliin ang Add/Remove Snap-in.
- Sa Add or Remove Snap-in window, piliin ang Certificates, at pagkatapos ay i-click ang Add.
- Sa Certificates snap-in window, piliin ang Computer Account, at pagkatapos ay i-click ang Next.
- Sa Select Computer window, piliin ang Local Computer, at pagkatapos ay i-click ang Finish.
- Sa Add or Remove Snap-in window, i-click ang OK.
- Sa Console1 window, i-click ang + para i-expand ang folder.
- Mag-right click sa Intermediate Certification Authorities, mag-mouse over sa All Tasks, at pagkatapos ay i-click ang Import.
- Sa Certificate Import Wizard window, i-click ang Next.
- I-click ang Browse para hanapin ang intermediate certificate file.
- Sa Open window, baguhin ang file extension filter sa PKCS #7 Certificates (*.spc;*.p7b), piliin ang *_iis_intermediates.p7b file, at pagkatapos ay i-click ang Open.
TANDAAN: Huwag i-install ang Leaf Certificate mo sa area na ito. Kapag ginawa mo ito, maaalis ang certificate mo mula sa lista, at kakailanganin mong mag-reinstall para itama ang problema.
- Sa Certificate Import Wizard window, i-click ang Next.
- Piliin ang Place all certificates in the following store, at pagkatapos ay i-click ang Browse.
- Sa Select Certificate Store window, piliin ang Intermediate Certification Authorities, at pagkatapos ay i-click ang OK.
- Sa Certificate Import Wizard window, i-click ang Next.
- I-click ang Finish.
- I-click ang OK.
- Isara ang Console 1 window, at pagkatapos ay i-click ang No para alisin ang mga settingng console.
Para mag-install ng SSL Certificate sa Microsoft IIS 7
- I-click ang Start, mag-mouse over sa Administrative Tools, at pagkatapos ay i-click ang Internet Services Manager.
- Sa Internet Information Services (IIS) Manager window, piliin ang server mo.
- Mag-scroll papunta sa ibaba, at i-double click ang Server Certificates.
- Mula sa Actions panel sa kanan, i-click ang Complete Certificate Request....
- Para mahanap ang certificate file mo, i-click ang ....
- Sa Open window, piliin ang *.* bilang file name extension mo, piliin ang iyong certificate (maaaring naka-save ito bilang .txt, .cer, o .crt), at pagkatapos ay i-click ang Open.
- Sa Complete Certificate Request window, maglagay ng Friendly name para sa certificate file, at pagkatapos ay i-click ang OK.
- Sa Internet Information Services (IIS) Manager window, piliina ng pangalan ng server kung saan naka-install ang certificate.
- I-click ang + sa tabi ng Sites, piliin ang site na ise-secure gamit ang SSL certificate.
- Sa Actions panel sa kanan, i-click ang Bindings....
- I-click ang Add....
- Sa Add Site Binding window:
- Para sa Type, piliin ang https.
- Para sa IP address, piliin ang All Unassigned, o ang IP address ng site.
- Para sa Port, i-type ang 443.
- Para sa SSL Certificate, piliin ang SSL certificate na kaka-install mo pa lang, at pagkatapos ay i-click ang OK.
- Isara ang Site Bindings window.
- Isara ang Internet Information Services (IIS) Manager window. Tapos na ang pag-install mo ng SSL certificate mo.
TANDAAN: Para sa mga Wildcard SSL certificate, tiyakin na ang Friendly Name mo ay tumutugma sa Common Name mo (i.e. *.coolexample.com).
Bisitahin ang website mo sa https://www.coolexample.com (palitan ang coolexample.com ng domain name mo) para i-verify ang pag-install. Kung may mga problema ka, pakibasa ang Where can I get information about my SSL's configruation? para makatulong sa pagtukoy ng mga problema.
TANDAAN: Bilang kagandahang-loob, nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa paano gamitin ang ilang third-party na produkto, ngunit hindi namin ineendorso o direktang sinusuporta ang mga third-party na produkto at hindi namin pananagutan ang mga function o pagkamaaasahan ng mga naturang produkto.