Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pamamahala Sa Mga Subdomain Ng Isang Domain Name

Print this Article
Last Updated: February 17, 2015 7:23 AM

Sa DNS Manager, magagamit mo ang Zone File Editor para magdagdag, mag-edit, o mag-delete ng mga subdomain na tumuturo sa mga IP address.

Ang mga subdomain ay mga extension ng domain name mo na maaari mong i-forward sa mga URL o ituro sa mga IP address at mga directory sa your hosting mo. Halimbawa, kung ang domain name mo ay coolexample.com, maaari mong idagdag ang subdomain.coolexample.com at ituro ito sa isang partikular na website sa isang subdirectory ng hosting account mo.

Maaari kang magdagdag ng hanggang 100 na subdomain sa kada domain name. Maaari ka rin magdagdag ng maraming level ng mga subdomain. Halimbawa, maaari mong idagdag ang another.subdomain.coolexample.com. Ang bawat subdomain ay maaaring umabot ng hanggang 25 na character kahaba.

Ang proseso para magdagdag, mag-edit, o mag-delete ngsubdomain ay nag-iiba batay sa kung paano mo ito ginagamit. Gamitin ang mga tagubilin na ito para gumamit ng mga subdomain na hindi naka-forward na tumuturo sa mga IP address.

Para gamitin ang Domain Manager para mag-forward ng mga subdomain sa mga URL, basahin ang Managing a Domain Name's Forwarded Subdomains.

Para gamitin ang mga subdomain na nagtatapos sa mga directory na nasa hosting account mo, basahin ang Manage your hosting account subdomains.

Pagdagdag ng Subdomain

Gamitin ang mga tagubilin na ito para magdagdag ng subdomain na tumuturo sa isang hiwalay na IP address.

Para Magdagdag ng Subdomain

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. I-click ang domain name na nais mong gamitin.
  4. Pumunta sa DNS Zone File tab.
  5. I-click ang I-edit.
  6. I-click ang Magdagdag ng Record.
  7. Mula sa lista ng Uri ng Record , piliin ang A (Host).
  8. Punan ang mga sumusunod na field:
    • Host Name — Ipasok ang subdomain na nais mong gamitin.

      TANDAAN: Ang subdomain ay maaaring magtaglay ng period (.) ngunit hindi bilang una o huling character. Hindi pinapayagan ang sunod-sunod na mga period (...). Ang isang subdomain ay hindi maaaring humigit sa 25 na character.

    • Tuturo sa Host Name — Ipasok ang IP address na nais mong ituro ng subdomain.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  9. I-click ang OK.
  10. I-click ang I-save ang Zone File, at pagkatapos ay i-click ang OK. Ipinapakita ang bagong subdomain sa seksiyon na A (Host).

Pag-edit ng Subdomain

Gamitin ang mga tagubilin na ito para i-edit ang isang dati nang subdomain na tumuturo sa isang IP address. ANg pag-update sa IP address kung saan nagtatapos ang subdomain ay hindi mag-uupdate sa pag-forward ng subdomain.

Para Mag-edit ng Subdomain

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. I-click ang domain name na nais mong gamitin.
  4. Pumunta sa DNS Zone File tab.
  5. I-click ang I-edit.
  6. Sa seksiyon na A (Host) , i-click ang subdomain na nais mong i-edit.
  7. I-edit ang alinman sa mga sumusunod na field:
    • Host — Ipasok ang subdomain na nais mong gamitin. I-type ang @ para imapa ang record nang direkta sa domain name mo, kasama ang www.
    • Tuturo sa — Ipasok ang IP address na nais mong ituro ng subdomain.
    • TTL — Piliin kung gaano katagal dapat i-cache ng server ang impormasyon.
  8. I-click ang I-save ang Zone File, at pagkatapos ay i-click ang OK.

Pag-delete ng Subdomain

Gamitin ang mga tagubilin na ito para i-delete ang isang dati nang subdomain na tumuturo sa isang IP address. Ang pag-delete sa isang subdomain sa DNS Manager ay hindi nagde-delete sa pag-forward nito.

Para Mag-delete ng Subdomain

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. I-click ang domain name na nais mong gamitin.
  3. Pumunta sa DNS Zone File tab.
  4. I-click ang I-edit.
  5. Sa seksiyon na A (Host) , piliin ang subdomain na nais mong i-delete, at pagkatapos ay i-click ang I-delete.
  6. I-click ang I-save ang Zone File, at pagkatapos ay i-click ang OK.

TANDAAN: Maaaring umabot ng hanggang 48 oras bago ito mabuo.