Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Mano-Manong Pag-Forward O Pag-Mask Sa Iyong Domain Name

Print this Article
Last Updated: February 17, 2015 7:18 AM

Nagbibigay-daan sa iyo ang pagfo-forward ng domain name na awtomatikong idirekta ang mga bisita ng iyong domain name sa ibang website.

Pinipigilan ng masking ang mga bisita na makita ang domain name mo sa pamamagitan ng pagpapanatili sa domain name mo sa address bar ng Web browser.

Tingnan natin ang halimbawang ito sa kung paano mo maiko-configure ang pag-forward.

Ifino-forward ang coolexample.COM sa coolexample.NET
Opsiyon sa Pag-forward Pupunta ang Bisita Sa Makikita Ng Bisita ng Site Ang Ipapakita ng Address Bar Ang
Pag-forward
Naka-disable
coolexample
.COM
coolexample
.COM
coolexample
.COM
Pag-forward
walang Masking
coolexample
.COM
coolexample
.NET
coolexample
.NET
Pag-forward
may Masking
coolexample
.COM
coolexample
.NET
coolexample
.COM

Para i-forward o i-mask ang domain name mo, dapat mong gamitin ang mga nameserver namin. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Pagtakda ng Mga Nameserver para sa Mga Domain Name Mo.

Para mag-forward ang domain name mo, dapat nakaturo ang A record nito sa 50.63.202.1.

Kung nais mong magagawa ng mga bisita mo na puntahan ang domain name mo nang mayroon o walan prefix na www, kailangan mong i-forward ang domain name mo para gamitin ang www.

Para I-forward o I-mask ang Domain Name Mo

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. Piliin ang mga domain name na nais mong i-forward.

    TANDAAN: Hindi ka maaaring mag-forward o mag-mask ng mga .tk na domain name.

  4. I-click ang I-forward, pagkatapos ay piliin ang Pag-forward sa Mga Domain.
  5. I-click ang Magdagdag ng Pag-forward.
  6. Piliin ang http:// o https:// bilang opsiyon mo sa I-forward sa . Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang HTTP vs. HTTPS.
  7. Ipasok ang URL kung saan mo nais i-forward ang domain name mo.
  8. Piliin ang iyong Uri ng Redirect
    • 301 (Permanente) — Nagre-redirect papunta sa site na tinukoy mo sa field na I-forward Sa gamit ang tugon ng HTTP na "301 Moved Permanently". Sinasabi ng HTTP 301 na response code sa mga user-agent (pati na sa mga search engine) na permanenteng nailipat ang lokasyon.
    • 302 (Pansamantala) — Nagre-redirect papunta sa site na tinukoy mo sa field na I-forward Sa gamit ang tugon ng HTTP na "302 Found". Sinasabi ng HTTP 302 na response code sa mga user-agent (pati na sa mga search engine) na pansamantalang nailipat ang lokasyon.
  9. Piliin ang Mga setting sa pag-forward mo
    • I-forward lang — Fino-forward ang domain nang walang masking.
    • I-forward na May Masking — Pinipigilan ang paglitaw ng naka-forward na domain name URL sa address bar ng browser, at pinahihintulutan kang magpasok ng mga Meta Tag para sa mga search engine crawler sa mga sumusunod na field:
      • Pamagat — Lumilitaw sa itaas ng browser window at sa mga resulta ng paghahanap.
      • Paglalarawan — Isang maikling paglalarawan sa website mo na lilitaw sa mga resulta ng search engine.
      • Keyword — Isang lista ng mga keyword na pinaghiwa-hiwalay ng comma na naglalarawan sa nilalaman at layuning nga website mo.
    • Para awtomatikong i-update ang mga nameserver mo para tanggapin ang mga binago mo sa pag-forward, i-check ang I-update ang DNS setting ko para suportahan ang pagbabagong ito.
  10. I-click ang Idagdag, pagkatapos ay i-click ang I-save.

Para I-forward ang Domain Name Mo Nang Walang Masking

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. Piliin ang mga domain name na nais mong i-forward.
  4. Sa tabi ng Pag-forward, i-click ang Pamahalaan.
  5. I-click ang I-update ang Pag-forward.
  6. Piliin ang I-forward Lang mula sa menu na Mga Setting sa Pag-forward .
  7. I-click ang I-edit.

TANDAAN: Ang mga nai-forward na domain name ay maaaring abutin ng hanggang 24-48 oras para mag-activate.

Para Alisin ang Masking Mula sa Domain Name Mo

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. Piliin ang mga domain name na babaguhin.
  4. I-click ang I-forward, pagkatapos ay piliin ang Pag-forward sa Mga Domain.
  5. I-click ang I-update ang Pag-forward.
  6. Mula sa mga pull down menu ng mga setting ng Pag-forward piliin ang opsiyon para sa I-forward Lang.
  7. I-click ang I-edit.
  8. I-click ang I-save.

Para Pamahalaan Ang mga Forwarding Subdomain Mo

Sa Domain Manager, makapagdaragdag ka ng mga subdomain at i-forward ang mga ito sa mga URL. Magagawa mo rin na mag-edit o mag-delete ng mga nai-forward na subdomain.

Ang mga subdomain ay mga extension ng domain name mo na maaari mong i-forward sa mga URL o ituro sa mga IP address at mga directory sa your hosting mo. Halimbawa, kung ang domain name mo ay coolexample.com, maaari mong idagdag ang subdomain.coolexample.com at ituro ito sa isang partikular na website sa isang subdirectory ng hosting account mo.

Pagdagdag ng Naka-forward na Subdomain

Gamitin ang mga tagubilin na ito para magdagdag ng subdomain na nagfo-forward sa isang hiwalay na URL.

Para Magdagdag ng Naka-forward na Subdomain

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. Piliin ang domain name na nais mong dagdagan ng subdomain.
  4. I-click ang I-forward, pagkatapos ay piliin ang Pamahalaan Ang Mga Subdomain.
  5. I-click ang Magdagdag ng Subdomain Forwarding.
  6. Ipasok ang subdomain name mo.

    Tandaan: Ang ipinasok na halaga ay maaaring magtaglay ng period (.) ngunit hindi bilang una o huling character. Hindi pinapayagan ang sunod-sunod na mga period (...). Hindi maaaring humigit sa 25 na character ang buong bilang.

  7. Piliin ang http:// o https:// bilang opsiyon mo sa I-forward sa . Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang HTTP vs. HTTPS.
  8. Ipasok ang URL kung saan mo nais i-forward ang domain name mo.
  9. Piliin ang iyong Uri ng Redirect
    • 301 (Permanente) — Nagre-redirect papunta sa site na tinukoy mo sa field na I-forward Sa gamit ang tugon ng HTTP na "301 Moved Permanently". Sinasabi ng HTTP 301 na response code sa mga user-agent (pati na sa mga search engine) na permanenteng nailipat ang lokasyon.
    • 302 (Pansamantala) — Nagre-redirect papunta sa site na tinukoy mo sa field na I-forward Sa gamit ang tugon ng HTTP na "302 Found". Sinasabi ng HTTP 302 na response code sa mga user-agent (pati na sa mga search engine) na pansamantalang nailipat ang lokasyon.
  10. Piliin ang Mga setting sa pag-forward mo
    • I-forward lang — Fino-forward ang domain nang walang masking.
    • I-forward na May Masking — Pinipigilan ang paglitaw ng naka-forward na domain name URL sa address bar ng browser, at pinahihintulutan kang magpasok ng mga Meta Tag para sa mga search engine crawler sa mga sumusunod na field:
      • Pamagat — Lumilitaw sa itaas ng window ng browser at sa mga resulta ng paghahanap
      • Paglalarawan — Isang maikling paglalarawan sa website mo na lilitaw sa mga resulta ng search engine
      • Keyword — Isang lista ng mga keyword na pinaghiwa-hiwalay ng comma na naglalarawan sa nilalaman at layuning nga website mo
  11. I-click ang Idagdag, pagkatapos ay i-click ang I-save.

Pag-edit ng Naka-forward na Subdomain

Gamitin ang mga tagubilin na ito para i-edit ang isang dati nang subdomain na tumuturo sa isang URL.

Para Mag-edit ng Naka-forward na Subdomain

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. Piliin ang domain name na nais mong i-edit.
  4. Sa seksiyon na Pag-forward , i-click ang Pamahalaan sa tabi ng subdomain na ie-edit.
  5. I-edit ang impormasyon ng subdomain, at pagkatapos ay i-click ang I-save.

Pag-delete ng Naka-forward na Subdomain

Gamitin ang mga tagubilin na ito para i-delete ang isang dati nang subdomain na tumuturo sa isang URL.

Para Mag-delete ng Naka-forward na Subdomain

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. Piliin ang domain name na nais mong i-edit.
  4. Sa seksiyon na Pag-forward , piliin ang subdomain na nais mong i-delete, i-click ang I-delete.
  5. I-click ang icon na I-delete , at pagkatapos ay i-click ang I-save.

TANDAAN: Ang mga nai-forward na domain name ay maaaring abutin ng hanggang 24-48 oras para mag-activate.