Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pagmapa Sa Iyong Domain Name Para Gumana Sa Blogger

Print this Article
Last Updated: February 17, 2015 7:23 AM

kung mayroon kang 6 na domain o mas kaunti pa at nais mong awtomatikong ikonekta ang domain name mo sa Blogger na may tulong mula sa amin (kami ang gagawa ng karamihan), basahin ang Forwarding Your Domain Name.

Makapagtatatag ka ng mas propesyonal na pagkakakilanlan para sa Blogger® blog mo sa pamamagitan ng pag-configure dito para ituro ang isa sa mga domain name na nirehistro mo sa amin. Sa halip na ipasok ang URL ng Blogger mo para makit ang pinakahuli mong blog post, ipapasok ng mga bisita mo ang URL ng domain name mo. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagmapa sa blog mong coolexample.blogspot.com sa domain name mong www.coolexample.com, magtutuon lang ang mga bisita mo sa domain name mo.

Para ituro ang Blogger blog mo sa domain name mo, magse-setup ka ng domain name mapping, na nagko-configure sa mga setting ng blog at domain name. Ia-update mo ang mga setting mo sa Blogger account mo at sa aming DNS Zone File:

  1. I-park ang domain name na nais mong gamitin sa Blogger account mo sa mga naka-park na nameserver namin. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Parking Your Domain Name.
  2. I-edit ang www CNAME record para sa domain name na nais mong gamitin sa Blogger account mo. SInasabi ng update na ito sa Web browser na buksan ang Blogger blog mo kapag ipinasok ng mga bisita ang URL ng domain name mo sa address bar ng browser.
  3. Sunod, kakailanganin mong lumikha ng apat na hiwa-hiwalay na A record sa domain na tumuturo sa apat na magkakaibang Google IP na nakalista sa hakbang 9 ng artikulo ng Google help na ito. Para sa mg tagubilin sa pag-configure ng mga hiwalay na A record, pakibisita ang Managing DNS for Your Domain Names sa ilalim ng segment na Pagdagdag o Pag-edit ng mga A Record.
  4. Gamit ang mga tagubilin mula sa parehong artikulo ng tulong na nakalista sa itaas, i-configure ang Blogger account mo para gamitin ang domain name mo.

Para I-edit Ang CNAME Record Mo

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. I-click ang domain name na nais mong gamitin, at pagkatapos ay i-click ang tab na DNS Zone File .
  4. I-click ang Magdagdag ng Record.
  5. Piliin ang CNAME (Alias)para sa Uri ng record.
  6. I-click ang www record.
  7. Sa field na Tumuturo Sa , i-type ang ghs.google.com.
  8. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang I-save Ang Mga Pagbabago.

Para I-configure ang Blogger Account Mo

  1. Mag-login sa Blogger account mo.
  2. Mula sa tab na Mga Setting , piliin ang Basic.
  3. Mula sa Pag-publish, i-click ang Maglagay ng pasadyang domain.
  4. I-click ang Lumipat sa Mga Advanced na Setting, at pagkatapos ay ipasok ang domain name mo. Halimbawa, ipasok ang www.coolexample.com.
  5. Para tukuyin ang isa pang lokasyon kung saan maghahanap ng mga file, sa seksiyon na Gamitin ang host ng mga nawawalang file? , piliin ang Oo at pagkatapos ay ilagay ang path. Kung hindi, piliin ang Hindi.
  6. I-click ang I-save.

Anumang pagbabago sa DNS na gagawin mo ay maaaring abutin ng hanggang 48 oras para lumitaw sa Internet.

Para sa impormasyon kung paano i-forward ang domain name mo, basahin ang Manually Forwarding or Masking Your Domain Name .

TANDAAN: Bilang kagandahang-loob, nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa paano gamitin ang ilang third-party na produkto, ngunit hindi namin ineendorso o direktang sinusuporta ang mga third-party na produkto at hindi namin pananagutan ang mga function o pagkamaaasahan ng mga naturang produkto. Ang Blogger® ay nakarehistrong tatak-pangkalakal ng Google, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan.