Pag-Setup Sa Server Mo
Print this Article
Last Updated:
February 18, 2015 11:52 AM
Nakabili ka na ng server — ngayon ay kailangan mo itong i-set up, kung saan kasama ang mga bagay na pang-administratibo gaya ng username at password mo.
Para I-setup ang Virtual Private Server (VPS) Mo
- Mag-log in sa Account Managermo.
- I-click ang Servers.
- Sa tabi ng account na nais mong gamitin, i-click ang Ilunsad.
- Repasuhin ang End User License Agreement, at pagkatapos ay i-click ang Tanggapin.
- Punan ang mga sumusunod na field:
- Ipasok ang Pangalan ng Server — Ang pangalan ng server (kilala rin bilang as account name mo) ay nakatutulong na makilala ang account na ito sa lista ng mga account mo.
- Piliin ang Operating System — Piliin ang operating system na nais mong patakbuhin sa server.
- Itakda ang Proteksiyon sa Overage — Iniiwas ka ng Proteksiyon Para Sa Overage sa Bandwidth mula sa mahal na bayarin para sa overage sa pamamagitan ng awtomatikong pagsuspindi sa account mo kapag nahigitan na ang itinakdang bandwidth. Ang nakasuspindi mong account ay ibabalik sa simula ng susunod na billing cycle o kapag bumili ng karagdagang bandwidth.
- Ipasok ang User Name — Ang user name na nilikha rito ay ang pangalan na ginagamit mo para mag-log in sa server mo. Sa mga Linux® server, hindi ka maaaring mag-log in sa server mo bilang "root". Kung kailangan mo ng root access, basahin ang Paglipat sa Root User sa Linux Server Mo.
- Ipasok ang Bagong Password — Gamitin ang password na ito kapag ina-access mo ang server mo gamit ang User Name o kapag gumagamit ng root access.
- Kumpirmahin ang Bagong Password — Kumpirmahin ang password mo.
- I-click ang Magpatuloy.
- Kumpirmahin ang mga setting mo, at pagkatapos ay i-click ang Isumite.
Kung bumili ka ng mga FTP Backup sa server mo, punan ang mga field ng Impormasyon sa FTP Backup Login:
- FTP User Name — Ang user name na ginamit para i-access ang iyong FTP Backup account mula sa server mo
- FTP Password — Gamitin ang password na ito kapag nag-access ka ng FTP Backup account mo mula sa server mo gamit ang FTP User Name
- Kumpirmahin ang FTP Password — Kumpirmahin ang password mo.
Sa sandaling i-click mo ang Isumite, dapat ay handa nang gamitin ang virtual private server mo sa loob ng humigit-kumulang 5 oras. Papadalhan ka namin ng email sa sandaling handa na ito.