Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pagse-Setup Ng DNS Sa Inyong Parallels Plesk Panel 10 Server at Domain Sa Amin

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:52 AM

May tatlong hakbang sa pagse-setup ng DNS para sa mga website na hosted sa inyong Dedicated o Virtual Private Server (VPS) gamit ang Plesk 10.x:

  1. Lumikha ng zone file para sa inyong domain name sa Parallels Plesk Panel.
  2. Lumikha at magparehistro ng dalawang domain host.
  3. Italaga ang inyong mga nameserver sa inyong nakarehistrong domain name.

Hakbang 1 — Paglikha ng Zone File sa Inyong Domain Name sa Parallels Plesk Panel.

Awtomatikong lumilikha ang Parallels Plesk Panel ng isang zone file para sa anumang domain name na inyong na-set up sa Parallels Plesk Panel. Kung nakapag-setup na kayo ng isang domain name sa Parallels Plesk Panel, maaari ninyong laktawan ang hakbang na ito.

Para Lumikha ng Zone File sa Inyong Domain Name sa Parallels Plesk Panel.

  1. Mag-log in sa Parallels Plesk Panel bilang isang administrator.
  2. Sa Webspaces tab, i-click ang Magdagdag ng webspace.
  3. Kumpletuhin ang domain name form, at i-click ang OK.

TANDAAN: Ang mga pagbabagong ito sa inyong dedicated na server ay maaaring tumagal ng hanggang 24 oras para makumpleto.

Hakbang 2 — Paglikha at Pagrerehistro ng Inyong Mga Domain Host

Sa sandaling na-setup na ninyo ang domain name at lumikha ng zone file sa Parallels Plesk Panel, kinakailangan ninyong lumikha at magparehistro ng dalawang domain hosts para sa inyong domain name. Kung ang inyong domain name ay nakarehistro sa amin, maaari ninyong makumpleto ang setup na ito sa inyong account sa amin. Kung ang inyong domain name ay nakarehistro sa ibang kompanya, kinakailangan ninyong makipag-ugnayan sa kanila para sa mga tagubilin hinggil sa pagpaparehistro ng domain host.

Basahin ang Registering Your Own Nameservers/Hosts para sa mga tagubilin sa paglikha ng mga domain host at paggamit ng IP address para sa inyong server (maaari ninyong mahanap ang IP address para sa inyong server sa inyong Dedicated o Virtual Private Server (VPS) na tagapamahala o sa Plesk).

TANDAAN: Ang dalawang domain host na inyong nalikha ay magagamit para sa iba pang mga domain name na na-host sa inyong Virtual na Private Server (VPS). HIndi ninyo kinakailangang lumikha ng bagong mga domain host para sa bawat isa sa inyong mga domain name.

Makalipas na gawin ang inyong mga domain host, kinakailangan ninyong iparehistro ang mga ito sa inyong server.

Para Iparehistro ang Inyong Domain Hosts sa Parallels Plesk Panel.

  1. Mag-log in sa Parallels Plesk Panel bilang isang administrator.
  2. Mula sa Mga Serbisyo sa Pagho-host na seksyon, i-click ang Mga Domain. (Kung hindi ninyo makita ang opsyon na ito mangyari lang lumaktawa sa hakbang 4.)
  3. I-click ang Buksan sa Control Panel sa kanan ng domain name na nais ninyong gamitin.
  4. Mula sa Mga Website at Domain tab, i-click ang Mga Setting ng DNS.
  5. Gamit ang Magdagdag ng Record button, idagdag ang mga sumusunod na record, at pagkatapos ay i-click ang OK makalipas na idagdag ang bawat isa:
    Field Ano ang dapat gawin...
    Uri ng record Piliin ang A.
    Domain Name Ipasok ang subdomain na inyong ginamit para sa inyong domain host. Halimbawa NS1.
    IP address Ipasok ang IP Address ng inyong server
    Field Ano ang dapat gawin...
    Uri ng record Piliin ang A.
    Domain Name Ipasok ang subdomain na inyong ginamit para sa inyong domain host. Halimbawa NS2.
    IP address Ipasok ang IP Address ng inyong server
    Field Ano ang dapat gawin...
    Uri ng record Piliin angNS.
    Domain Name Iwanang blangko o ipasok ang subdomain para sa inyong website
    IP address Ilagay ang isa sa mga subdomain na inyong nalikha para sa inyong domain host, kasama ng inyong domain name. Halimbawa NS1.coolexample.com, kung saan ang coolexample.com ay ang inyong domain name.
    Field Ano ang dapat gawin...
    Uri ng record Piliin angNS.
    Domain Name Iwanang blangko o ipasok ang subdomain para sa inyong website
    IP address Ilagay ang isa sa mga subdomain na inyong nalikha para sa inyong domain host, kasama ng inyong domain name. Halimbawa NS2.coolexample.com, kung saan ang coolexample.com ay ang inyong domain name.
  6. I-click ang Update.
  7. I-restart ang serbisiyo ng DNS para matiyak na ang mga pagbabagong ito ay mapapatupad sa inyong server. I-click ang Bumalik sa Server Administration Panel .
  8. Mula sa Server Management na seksyon, i-click ang Mga Tools at Setting.
  9. I-click ang Pamamahala sa Mga Serbisyo.
  10. I-click ang kulay dilaw na refresh button sa dulong kanan ng serbisyo ng DNS Server (BIND). Hintayin ng ilang minuto para muling mag-start ang serbisyo.

    TANDAAN: Ang DNS ay maaaring tumagal ng 24-48 oras para malapat ang inyong ginawa.

Ika-3 Hakbang — Pag-setup ng Inyong Mga Server para sa Pangalan ng Domain

Ngayon na nakalikha at nakarehistro na kayo ng dalawang domain host, kinakailangan ninyong i-set ang mga nameserver para sa inyong domain name para maturo sa inyong Dedicated/Virtual Private Server (VPS). Basahin ang Setting Nameservers for Your Domain Names, piliin ang Mayroon akong mga tiyak na nameserver para sa aking mga domain, at ilagay ang mga pangalan ng domain host na inyong nilikha sa naunang hakbang.