Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pag-Set up Ng DNS Gamit Ang Iyong Parallels Plesk Panel 9 Server at Domain Sa Amin

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:50 AM

May tatlong hakbang sa pag-set up ng DNS para sa mga website na naka-host sa dedicated o Virtual Private Server (VPS) mo gamit ang Plesk 9:

  1. Lumikha ng zone file para sa domain name mo sa Parallels Plesk Panel.
  2. Lumikha at magrehistro ng dalawang domain host.
  3. Itakda ang mga nameserver mo sa nakarehistro mong domain name.

Hakbang 1 — Paglikha ng Zone File para sa Domain Name Mo sa Parallels Plesk Panel

Awtomatikong lilikha ang Parallels Plesk Panel ng zone file para sa anumang domain name na i-set up mo sa Parallels Plesk Panel. Kung nakapag-set up ka na ng domain name sa Parallels Plesk Panel, maaari mong laktawan ang hakbang na ito.

Para Lumikha ng Zone File Para sa Domain Name Mo sa Parallels Plesk Panel

  1. Mag-log in sa Parallels Plesk Panel bilang admin.
  2. Sa seksiyon na Mga Client , i-click ang client na nais mong gamitin.
  3. I-click ang Magdagdag ng Bagong Domain.
  4. Punan ang mga field na nasa screen, at pagkatapos ay i-click ang OK:
  5. Piliin ang uri ng hosting para sa domain name, at i-click ang OK.
  6. Punan ang setup page sa hosting at i-click ang OK.

TANDAAN: Ang mga pagbabagong ito sa dedicated server mo ay maaaring abutin ng hanggang 24 oras para matapos.

Hakbang 2 — Paglikha at Pagrehistro ng Mga Domain Host Mo

Sa sandaling mai-setup mo ang domain name at nakalikha ng zone file sa Parallels Plesk Panel, kakailanganin mong lumikha at magrehistro ng dalawang domain host para sa domain name mo. Kung nakarehistro sa amin ang domain name mo, matatapos mo ang hakbang na ito gamit ang account mo sa amin. Kung nakarehistro ang domain name mo sa ibang kompanya, kakailanganin mong makipag-ugayan sa kanila para sa mga tagubilin tungkol sa pagrehistro ng domain host.

Basahin ang Registering Your Own Nameservers/Hosts para sa mga tagubilin sa paglikha ng mga domain host at gamitin ang IP address para sa server mo (mahahanap mo ang IP address para sa server mo sa dedicated o Virtual Private Server (VPS) manager mo o sa Plesk).

TANDAAN: Ang dalawang domain host na lilikhain mo ay magagamit para sa iba pang domain name na naka-host sa Virtual Private Server (VPS) mo. Hindi mo kailangang lumikha ng mga bagong domain host para sa bawat isa sa mga domain name mo.

Pagkatapos mong lumikha ng mga domain host, dapat mong irehistro ang mga ito sa server mo.

Para Irehistro ang Mga Domain Host Mo sa Parallels Plesk Panel

  1. Mag-log in sa Parallels Plesk Panel bilang admin.
  2. Sa seksiyon na Mga Domain , i-click ang Mga Domain.
  3. I-click ang domain name na nais mong gamitin.
  4. Sa seksiyon na Web Site , i-click ang Mga DNS Setting.
  5. I-click ang Magdagdag ng Record, punan ang mga sumusunod na field, at pagkatapos ay i-click ang OK:
    • Uri ng Record — Piliin ang A.
    • Ipasok ang domain name — Ipasok ang subdomain na ginamit mo para sa domain host mo, hal., NS1.
    • Ipasok ang IP address — Ipasok ang IP address ng server mo.
  6. Ulitin ang huling hakbang the gamit ang sumusunod na impormasyon para makalikha ng tatlo pang record:
    • Uri ng Record — Piliin ang A.
      Ipasok ang domain name — Ipasok ang subdomain na ginamit mo para sa domain host mo, hal., NS2.
      Ipasok ang IP address — Ipasok ang IP address ng server mo.
    • Uri ng Record — Piliin ang NS.
      Ipasok ang domain name — I-type ang www, o ipasok ang subdomain para sa website mo.
      Ipasok ang IP address — Ipasok ang isa sa mga subdomain na nilikha mo para sa domain host mo, kasama ng domain name mo, hal. NS1.coolexample.com., kung saan ang coolexample.com ay ang domain name mo.
    • Uri ng Record — Piliin ang NS.
      Ipasok ang domain name — I-type ang www, o ipasok ang subdomain para sa website mo.
      Ipasok ang IP address — Ipasok ang isa sa mga subdomain na nilikha mo para sa domain host mo, kasama ng domain name mo, hal. NS2.coolexample.com., kung saan ang coolexample.com ay ang domain name mo.

Hakbang 3 — Irehistro ang mga namerserver

Ngayong nakalikha at nakapagrehistro ka ng dalawang domain host, kailangan mong itakda ang mga nameserver para sa domain name mo para tumuro sa dedicated/Virtual Private Server (VPS) mo. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Registering Your Own Nameservers/Hosts.

Hakbang 4 — Pag-setup sa mga nameserver mo

Ngayong narehistro mo na ang mga nameserver na nilikha mo, maituturo mo ang domain mo sa mga ito. Basahin Setting Nameservers for Your Domain Names at piliin ang Mayroon akong partikular na bilang ng mga nameserver para sa mga domain ko

Ang mga ito at anumang iba pang pagbabago sa DNS ay maaaring abutin ng hanggang 48 oras para lumitaw nang live sa Internet.