Paglipat Ng Mga Domain Name Sa Isa Pang Registrar
Ang proseso ng paglipat ng mga domain name mula sa account mo sa amin papunta sa isa pang registrar ay bahagyang nakabatay sa bagong registrar mo.
Kung inililipat mo ang domain name mo mula sa iasng account sa amin papunta sa isa pa, basahin ang Paglipat ng Domain Name Mula sa Iyong Account.
TANDAAN: Iiral ang 60-araw na panahong paghihigpit sa paglipat kapag nagrehitro o naglipat ka ng isang domain name, nag-update ng organisasyon ng contact ng registrant, o nag-update ng una o huling pangalan ng contact sa registrant at isang organisasyon na hindi nakalista. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Patakaran sa Paglipat ng mga Rehistro sa Pagitan ng Mga Registrar ng ICANN at aming Kasunduan ng Registrant sa Pagbabago ng Domain Name.
Para Ilipat ang Mga Domain Name sa Isa Pang Registrar
- Abisuhan ang administrative contact mo na ililipat mo ang domain name, at i-verify na ang impormasyon ng administrative contact mo ay balido. Kung naglilipat ka ng isang .au domain name sa isang naiibang registrar, dapat mong i-verify na ang email na kaugnay ng contact mo sa registrant ay tumpak. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Update contact information.
TANDAAN: Kung mayroon kang Domain By Proxy® (DBP) na Pribadong Pagrehistro, basahin ang Updating Contact Information for Domain Names with Privacy para sa impormasyon sa pagtingin at pag-update sa impormasyon ng contact sa domain name mo.
- Kung magagawa, ikansela ang Protektadong Pagrehistro mo o DBP na Pribadong Pagrehistro. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Canceling Protected Registration o Canceling Private Registration for Your Domain Names.
- I-unlock ang domain name mo. Basahin ang Unlock domains para sa karagdagang impormasyon.
- Alamin sa bagong registrar mo kung kailangan mo ng authorization code. (Hindi kailangan ng ilang domain name extension ang code na ito.) Kung kailangan mo ng authorization code, basahin ang Get an authorization code for transfers .
TANDAAN: Para sa mga .eu na paglipat ng domain name, hindi kailangan ang authorization code ngunit mapapabilis nito ang paglipat. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Transferring .eu Domain Names to Us.
- Simulan ang paglipat ng domain name sa bagong registrar mo. Maaaring kailanganin mong kumonsulta sa Tulong ng kabilang registrar o suporta para sa mga partikular na tagubilin.
- Pahintulutan ang paglipat sa account mo gamit ang bagong registrar.
- Aabisuhan kami ng registry, at pagkatapos ay ipaapadala namin sa iyo ang email ng mga tagubilin para tapusin ang paglipat. Kung hindi mo tatanggapin o tatanggihan ang hiling na paglipat sa iyong account sa amin sa loob ng limang araw, awtomatiko naming tatapusin ang paglipat. Basahin ang Accepting or Declining a Transfer to Another Registrar para sa karagdagang impormasyon.
- Aabisuhan ng registry ang bagong registrar mo tungkol sa pagkakatanggap o pagkakatanggi sa paglipat.
- Magpapadala kami sa iyo ng email ng kumpirmasyon kapag natapos ang paglipat. Ang paglipat sa pagitan ng mga registrar ay inaabot ng lima hanggang pitong araw para matapos mula sa pagbigay mo ng pahintulot dito.