Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pagkakansela Ng Pribadong Pagpaparehistro Sa Inyong Mga Pangalan Ng Domain

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:50 AM

Kapag inyong kinansela ang Pribadong Pagpaparehistro, ang inyong personal na impormasyon, kasama na ang inyong pangalan, mailing address, email address, at numero ng telepono, ay ipinapakita sa publiko sa Whois na database.

Para kanselahin ang Pribadong Pagpaparehistro, kailangan ninyong mag-log in sa inyong Domains By Proxy® account. Ang Domains By Proxy ay isang hiwalay na kompanya na may sarili nitong website, at ang inyong Domains By Proxy na account ay may bukod tanging impormasyon sa pag-login. Ipinadala ng Domains By Proxy sa email ang impormasyon sa pag-login nang inyong bilhin ang serbisiyo. Kung hindi ninyo matagpuan ang mensahe ng email, basahin ang Retrieving Your Domains By Proxy Login Information.

TANDAAN: Ang Domains By Proxy ay hindi nagre-refund ng mga kaukulang bayad para sa Pribadong Pagpaparehistro kung kanselahin ninyo ang inyong serbisyo. Hindi mababawi ang mga pagkakansela.

Para Kanselahin ang Pribadong Pagpaparehistro sa Inyong Mga Pangalan ng Domain

  1. Mag-log in sa inyong account sa .

    TANDAAN: Kung nagkakaproblema kayo sa pag-log in sa inyong Domains By Proxy account, basahin ang Retrieving Your Domains By Proxy Login Information.

  2. Piliin ang Pribadong Domain, at tapos ay piliin ang (mga) pangalan ng domain na nais ninyong kanselahin ang Pribadong Pagpaparehistro.
  3. I-click ang Kanselahin ang Napili, o i-click ang (Kanselahin ang pribadong pagpaparehistro).
  4. I-click ang OK.
  5. I-click ang OK.

Kung kailangan ninyo ng dagdag na tulong o may mga tanong tungkol sa pagkakansela ng inyong Domains By Proxy account, makipag-ugnayan sa accountservices@domainsbyproxy.com.