Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Paglipat Ng Domain Name Mula Sa Iyong Account

Print this Article
Recently Updated: July 23, 2015 1:53 PM

Kung nais mong ilipat ang isang domain name mula sa isang account sa amin papunta sa isa pa, nasa wastong lugar ka para magsimula — tinatawag itong Pagbago ng Account. Kung kailangan mong maglipat ng domain name sa ibang registrar, basahin ang Paglipat ng mga Domain Name sa Isa pang Registrar.

Pagkatapos mong magawa ang mga sumusunod na hakbang, papadalhan namin ang may-ari ng tumatanggap na account ng email na may kasamang mga tagubilin para kumpirmahin ang paglipat. Dapat kumpirmahin ng tatanggap ang paglipat ng domain name sa loob ng 10 araw. Pakatapos ng panahong iyon, magta-time out ang transaksiyon at kakailanganin mong ibalik ito. Para sa mga tagubilin sa pagkumpirma ng paglipat ng domain name, basahin ang Pagtanggap ng Domain Name papasok sa Iyong Account.

TANDAAN: Dapat na aktibo ang status ng domain name para magpalit ng mga account. Ang mga pagpalit ng account ay maaari lang gawin nang 5 araw makalipas ang unang pagrehistro.

Para Ilipat ang Domain Name Mula sa Iyong Account

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. Piliin ang (mga) domain name na nais mong ilipat.
  4. Sa ilalim ng Marami Pa, i-click ang Simulan ang Pagbago ng Account.
  5. Ipasok ang Email address ng bagong may-ari.
  6. Kung alam mo ang customer number ng bagong may-ari, piliin ang Mayroon ako... at pagkatapos ay ipasok ang impormasyon sa pag-login sa account.

    TANDAAN: Kung alam mo ang impormasyon sa pag-login ng bagong registrant, iwanang bakante ang field na ito, at pagkatapos ay pilin ang Ipasok ang mga bagong detalye sa hakbang 7.

  7. Sa Impormasyon sa contact ng domain, piliin ang isa sa mga sumusunod:

    TANDAAN: Ang Customer # o login name ng bagong registrant ay maaaring kailanganin o opsiyonal depende sa pipiliin mo rito. Para sa Ipasok ang mga bagong detalye, opsiyonal ito. Para sa lahat ng iba pang opsiyon, kakailanganin ito. Kung ipinasok, dapat tumugma ito sa impormasyong naka-file sa tumatanggap na account.

    • Ipasok angmga bagong detalye — Ipasok ang impormasyon sa contact para sa bagong registrant.
    • Gamitin ang mga detalye mula sa tinukoy na customer account — Gamitin ang impormasyon sa contact na mula sa account na ipinasok mo sa hakbang 6. (Hindi ito gagana hanggang sa i-setup ng tinukoy na customer ang kaniyang pahina ng mga setting para isama ang kinakailangang impormasyon.)
    • Huwag babaguhin — Panatilihin ang impormasyon sa contact na kasalukuyang nakatakda sa domain name na nililipat mo.

      TANDAAN: Kung naglilipat ng country-code top-level domain name (ccTLD), maaaring kailanganin mong piliin ang opsiyon na ito at sabihan ang bagong registrant na makipag-ugnayan sa aming support department para i-update ang impormasyon sa contact. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang About ccTLDs (Country-Code Domain Names).

  8. Piliin ang Panatilihin ang mga kasalukuyang nameserver para sa domain na ito para mapanaili ang mga kasalukuyang nameserver para sa domain name. Kung hindi mo pipiliin ang opsiyon na ito, ipa-park namin ang domain name kapag ini-activate ito ng bagong registrant ang bagong account.

    TANDAAN: Mawawala ang anumang pasadyang DNS ng domain name kapag lumipat ito sa bagong account.

  9. I-click ang Susunod.
  10. Kung pinili mo ang Ipasok ang mga bagong detalye, punan ang mga sumusunod, at pagkatapos ay i-click ang Susunod:
    • Organisasyon (Opsiyonal) — Ang orgnisasyon kung saan kasosyo ang bagong registrant, kung mayroon man
    • Pinatutunayan ko na ang tinukoy na organisasyon... (Opsiyonal) — Nagpapabatid na sumasang-ayon ka na ang organisasyon ang magiging legal na registrant
    • Unang Pangalan at Apelyido — Ang unang pangalan at apelyido ng bagong registrant
    • Address 1 at 2 — Ang street address ng bagong registrant
    • Bansa — ng bansa kung saan naninirahan ang bagong registrant
    • Lungsod, Estado, Postal Code — Ang lungsod, estado, at ZIP code ng bagong registrant
    • Telepono — Numero ng telepono ng bagong registrant
    • Fax (Opsiyonal) — Ang fax number ng bagong registrant

    TANDAAN: Magpapakita kami ng lista ng mga serbisyong kakanselahin namin pagkatapos mong ilipat ang domain name mula sa account mo. Hindi mo mababawi ang pagkansela pagkatapos mong sumang-ayon sa paglipat.

  11. Basahin ang Kasunduan sa Pagbago ng Registrant ng Domain Name, at, kung sasang-ayon ka sa mga takda, piliin ang Nabasa at sinasang-ayunan ko ang Pagbago sa Domain Name...

    TANDAAN: Kapag binago mo ang Organisasyon o ang Unang Pangalan o Apelyido (kung walang ipinasok na Organisasyon), dapat kang sumang-ayon sa isang 60-araw na lockdown para magpatuloy. Kung may domain name kang .au, walang iiral na 60-araw na pag-lock.

  12. Kung nais mong ilipat ang domain name mo sa loob ng 60-araw, dapat mong tanggihan ang Pagbabago sa Registrant at ilipat ang domain name mo bago i-update ang mga field na Organisasyon, Unang Pangalan, o Apelyido. Kung hindi, piliin ang Nauunawaan ko na, kung nais kong ilipat ang domain na ito....
  13. I-click ang Finish.