Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pamamahala Sa Mga Domain Name Na May off-Site Na DNS

Print this Article
Last Updated: February 17, 2015 7:19 AM

Kung ang nakarehistrong domain name mo sa ibang registrar, mapapamahalaan mo pa rin ang mga zone file record nito sa amin sa pamamagitan ng paggamit sa Off-site na DNS.

Sa DNS Dashboard, maaari kang magdagdag o magkansela ng Off-site na DNS para sa isang domain name. Pagkatapos, mapapamahalaan mo ang mga zone file record nito sa Zone File Editor.

Hindi sinusuporta ng Off-site na DNS ang mga Internationalized Domain Name (IDN).

PAYO: Kung balak mong ilipat ang rehistro ng isang domain name papunta sa amin, mapapanatili mong ang zone file sa pamamagitan ng pagdagdag ng Off-site na DNS para sa domain name bago simulan ang paglipat. Basahin ang seksiyon na Pagdagdag ng Off-site na DNS para sa Domain Name sa ibaba para sa mga detalye. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paglipat ng mga domain name sa amin, basahin ang Paglipat ng Mga Domain Name sa Amin.

Pagdagdag ng mga Off-site DNS para sa isang Domain Name

Para pamahalaan ang DNS para sa off-site na domain name, kailangan mo itong idagdag sa DNS Dashboard, at pagkatapos ay baguhin ang mga nameserver sa kasalukuyan mong registrar.

Para Magdagdag ng Off-site na DNS para sa isang Domain Name

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Mga Domain, i-click ang Ilunsad.
  3. I-click ang Marami Pa, pagkatapos ay piliin ang Magdagdag ng Off-site.
  4. Sa field na Domain name , ipasok ang domain name na nais mong pamahalaan gamit ang Off-site na DNS.
  5. (Opsiyonal) Kung balak mong ilipat ang rehistro ng domain name sa amin at nais mong ilipat din ang dati na nitong mga DNS record, piliin ang Ang domain ay ililipat... . Ipapatupad namin ang zone file sa domain name pagkatapos ng paglipat. Kung hindi, huwag piliin ang opsiyon na ito.
  6. I-click ang OK. Ang domain name ay lilitaw sa lista ng mga Domain mo (Off-site) sa tabi nito.

    TANDAAN: Kung hindi lumitaw ang domain name mo, i-click ang para i-refresh ang lista.

  7. Makipag-ugnayan sa kasalukuyan mong registrar para i-update ang mga nameserver mo sa sumusunod:

    Standard DNS
    mns01.domaincontrol.com
    mns02.domaincontrol.com

    Premium DNS
    Mahahanap mo ang Premium DNS nameserver ng domain name mo sa Zone File Editor. Para i-access ang Zone File Editor mula sa Premium DNS Dashboard, i-click ang I-edit ang Zone para sa domain name na nais mong tingnan, atpagkatapos ay pumunta sa seksiyon na NS (Nameserver) . Ang mga nameserver mo ay matatagpuan sa mga range na ito:

    [pdns01-pdns13].domaincontrol.com
    [pdns02-pdns14].domaincontrol.com

    TANDAAN: Ang mga Nameserver au gumagamit ng magkakasunod na odd at even na pares, kaya ang PDNS01.DOMAINCONTROL.COM ay gagana kasama ng PDNS02.DOMAINCONTROL.COM, samantalang ang PDNS12.DOMAINCONTROL.COM ay hindi gagana kasama ng PDNS13.DOMAINCONTROL.COM.

Pagkatapos i-update ang mga nameserver mo, palipasin ang 4 hanggang 8 oras para ma-access ng ibang network ang impormasyon para sa .com at .net na mga domain name, at palipasin ang 24 hanggang 48 oras para sa ibang network na ma-access ang impormasyon para sa lahat ng iba pang domain extension. Kung nahihirapan ka, makipag-ugnayan sa technical support team namin para sa tulong.

Pag-access sa Zone File Editor para sa isang Domain Name gamit ang Off-site DNS

Sa sandaling magdagdag ka ng Off-site DNS para sa isang domain name, maaari kang magdagdag, mag-edit, o mag-delete ng mga zone file record nito sa Zone File Editor. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit sa mga partikular na record, basahin ang Pamamahala sa DNS para sa Mga Domain Name Mo.

Para I-access ang Zone File Editor para sa isang Domain Name gamit ang Off-site DNS

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. I-click ang domain name na nais mong gamitin, at pagkatapos ay i-click ang tab na DNS Zone File .

Pagkansela sa Off-site DNS para sa isang Domain Name

Sa DNS Dashboard, makakansela moa ng Off-site DNS para sa isang domain name.

Para ikansela ang Off-site DNS para sa isang Domain Name

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Mga Domain, i-click ang Ilunsad.
  3. Mula sa menu na DNS sa itaas, piliin ang DNS Manager.
  4. Piliin ang domain name na nais mong ikansela ang Off-site DNS.
  5. Mula sa menu na Off-site , piliin ang Ikansela ang Off-site.
  6. Piliin ang Sigurado ka ba ... , at pagkatapos ay i-click ang OK.
  7. I-click ang OK.