Ano ang kahulugan ng na-hack?
Ang "Hacked" ay isang katawagan na naririnig ninyo nang madalas— lalo na hinggil sa mga website — ng hindi masyado malinaw na ipinapaliwanag.
Kung ang inyong wesite ay na-hac, ito ay nangangahulugan ng ilang mga bagay:
- May ibang nakakuha ng access sa inyong account (karaniwan sa pamamagitan ng File Transfer Protocol, a.k.a. FTP). Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa FTP, maaaring isingit ng mga hacker ang kanilang sariling code sa inyong site.
- Makalipas na makakuha ng access sa inyong site, naglalagay ang mga ito ng mga malicious na code. Ang ginagawa ng code ay depende sa mga layunin ng hacker.
Dahil ang pagha-hack ay maaaring lubos na mapanira, minsan ang inyong site ay maaaring ma-hack nang hindi man lang ninyo namamalayan. Minsan, lubos na matibay ang mga hacker at nagagawa nilang sirain ang inyong site o palitan ito ng mga malalaswang mensahe.
Ang iba pang mga hind kanais-nais na mga bagay na ginagawa ng mga hacker sa mga site:
- Nagi-install ng mga virus sa mga computer ng visitor
- Dinadala sa ibang site ang visitor
- Ginagamit ang inyong website para ma-atake ang ibang mga website, at sinisira ang mga ito
Ngayon, sa kasamaang palad, walang LoJack® para sa isang website na na-hack, pero may ilang mga bagay na magagawa ninyo para matiyak na hindi kayo mabiktima ng isang hacker:
- Gumamit ng isang secure na password. Ito ay nangangahulugang isang mas mabuting password na hindi lang basta may numero 1 sa katapusan ng pangalan ng inyong aso. Mayroon kaming impormasyon sa Keeping Your Hosting/FTP Password Secure.
- Regular na ipa-scan ang inyong site. Maraming mga kompanya ang naghahandog ng tools na sinusuri ang inyong site na naghahanap ng mga malicious/kahina-hinalang code o aktibidad.
- I-update ang software ng inyong website. Kung kayo ay gumgamit ng mga katulad ng WordPress®, ang pagkakaiba ay ang pananatiling up-to-date ng inyong software para maayos na mapagana ang inyong site at pagkakaroon ng site na punong-puno ng malware.
Sa pagkakaroon ng malay sa panganib ng mga hacker at pagsasagawa ng kilos para makapag-ingat, maaari ninyong mapigilan na ang inyong site ay makasama sa mga visitor at sa iba pang mga site sa buong Internet.