Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Paghanap Sa Mga Nameserver Ng Naka-Host Mong Domain

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:52 AM

Para gawing nakikita sa Internet ang website mo, kailangan mong ituro ang domain name mo sa iyong hosting account gamit ang mga nameserver. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Ano ang DNS?

TANDAAN: Iiral lang ang impormasyon na ito sa mga account na naka-host sa amin. Kung hindi ka nagho-host sa amin, magagamit mo ang impormasyon na nasa Pagtakda ng Mga Nameserver para sa Mga Domain Name Mo.

Nakatakda ang mga nameserver ayon sa domain name. Ang parehong hosting account ay maaaring magkaroon ng mga domain name na kailangang gumamit ng magkakaibang grupo ng mga nameserver.

Para Mahanap ang Mga Nameserver ng Naka-host mong Domain

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Sa tabi ng Domains, i-click ang Launch.
  3. I-click ang domain name na nais mong gamitin, at pagkatapos ay i-click ang tab na DNS Zone File .

Lilitaw ang mga nameserver ng domain mo sa seksiyon na NS (Nameserver) .

TANDAAN: Maaaring abutin ng hanggang 48 oras bago lumitaw ang mga pagabago sa mga domain nameserver mo.

Para Pamahalaan ang Hosting Control Panel Mo (para sa Mga Naka-alias na Domain)

    TANDAAN: Ito ang mga hakbang para makuha ang mga nameserver para sa mga naka-alias na domain mula sa Hosting Control Panel. Magagamit ang impormasyon na ito para ma-access ang DNS Manager para sa mga Naka-Host na Domain.

  1. Mag-log in sa Account Managermo.
  2. Mula sa tab ng Mga Produkto sa ilalim ng pangalan mo, i-click ang Web Hosting bar.
  3. I-click ang button na Ilunsad para sa hosting plan na nais mong i-access. Magbubukas ang Hosting Control Panel Mo.
  4. Mula sa pull down menu na Marami Pa , piliin ang DNS Manager. Dapat ay naka-default ka sa pangunahing domain ng nagho-host na plan.
  5. Para tingnan ang zone file para sa naka-alias na domain, i-click ang 'Baguhin ang Zone' pagkatapos ng 'Zone File Editor.' Dapat ay makikita mo ang isang lista ng mga naka-alias na domain.
  6. Hanapin ang domain na nais mong tingnan ang zone file at i-click ang OK.
  7. Kung sinusubukan mong kumpirmahin ang mga nameserver para sa naka-alias na domain na idinagdag mo kamakailan, mag-scroll sa ibaba ng zone file hanggang sa makita mo ang seksiyon na 'NS (Nameserver)' . Ang mga nameserver na nakalista bilang (Pang-impormasyon) ay magiging mga nameserver na kailangang gamitin ng domain.