Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Ikinokonekta Ang Hosting Account Mo Sa FileZilla (FTP)

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:50 AM
Screen-by-Screen

Ang FileZilla ay isang libreng File Transfer Protocol (FTP) client para sa Windows®, Mac®, at Linux® na mga operating system. Maida-download mo ito mula sa http://filezilla-project.org.

Pinahihintulot ng mga FTP client na maglipat ka ng mga file mula sa lokal mong computer sa isa pang computer sa Internet — sa kasong ito, ang kabilang computer ay ang server na may hawak sa hosting account mo. Gagamit ka ng FTP client para ilipat ang mga file ng website mo mula sa computer mo papunta sa hosting account, na magpapalitaw sa mga file mo sa internet sa tuwing may bibisita sa domain name mo.

Paggamit ng FileZilla sa Iyong Hosting Account

Para gamitin ang FileZilla sa hosting account mo, kakailanganin mo ng mga tumpak na setting ng hosting FTP.

Para gamitin ang FileZilla (FTP), Kailangan Mong

Sa sandaling naiayos mo na ang lahat, makakakonekta ka sa hosting account mo gamit ang FileZilla.

Pagkonekta sa Hosting Account Mo sa FileZilla

Para kumonekta sa hosting account mo, i-download ang FileZilla at sundin ang mga tagubilin sa ibaba.

Para Ikonekta ang Hosting Account Mo sa FileZilla

  1. Buksan ang FileZilla mula sa computer mo.
  2. Punan ang mga sumusunod na field, at pagkatapos ay i-click ang Quickconnect:
    • Host — Ipasok ang hosting account IP address mo.
    • Username — Ipasok ang hosting account user name mo.
    • Password — Ipasok ang hosting account password mo.

      Kung nagkakaproblema ka sa pagkonekta sa hosting account mo, malamang na dulot ito ng maling password. Basahin ang Pagbago sa Password at Username ng Iyong Hosting Account (FTP/Panel) para sa karagdagang impormasyon.
    • Port — I-type ang 21 para sa FTP o 22 para sa sFTP.

Sa sandaling makonekta, ipapakita ng FileZilla ang mga nilalaman ng hosting account mo sa kanan, sa seksiyon na Remote site , at ang nilalaman ng computer mo sa kaliwa sa seksiyon na Local site .

Paglipat ng Mga File sa Hosting Account mo Gamit ang FileZilla

Sundin lang ang mga tagubilin na ito para maglipat ng mga file sa hosting account mo gamit ang FileZilla.

Para Maglipat Ng Mga File sa Hosting Account Mo sa FileZilla

  1. Hanapin ang Local site na mga file na nais mong ilipat sa hosting account mo.
    • Ipinapakita ng FileZilla ang mga nilalaman ng iyong Local Site simula sa root level ng iyong operating system. Magnabiga sa mas kilalang lokasyon sa file structure ng computermo sa pamamagitan ng pag-double click sa Users, profile name mo, at pagkatapos Desktop sa pangunahing folder ng mga dokumento.
    • Ang mga file na i-upload mo sa directory na iyon ay dapat na may index file. Malamang na ang file na ito ay, index.htm o index.html, pero mayroon pang ibang balidong opsiyon. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang What file displays when someone browses to my domain name?
  2. Piliin ang mga file sa Local site . May dalawang paraan ng pagpili ng maraming file:
    • Pumili ng isang file, at pagkatapos, habang nakapindot sa Shift key sa keyboard mo, pumili ng isa pang file mula sa lista para ituloy ang pagpili mo. Ang dalawang piniling file at lahat ng file sa pagitan ng mga ito ay mapipili
    • Pumili ng isang file, at pagkatapos, habang nakapindot sa Ctrl key sa keyboard mo, pumili ng isa pang file mula sa lista para ituloy ang pagpili mo. Sa ganitong paraan, makapagdaragdag ka ng paisa-isang file sa mga pipiliin mo.
  3. Hanapin ang Remote site directory na nais mong paglipatan ng mga file. Nanaisin mong gamitin ang root directory ng website mo (mas maraming info).
  4. Ilipat ang mga file mula sa Local site papuntang Remote site sa pamamagitan ng pag-drag and drop sa mga ito.
  5. Drag and Drop — Piliin ang mga file sa Local site na nais mong i-upload. I-click and drag ang mga ito papunta sa Remote site directory. Kapag naka-highlight ang directory, maaari mong i-drop ang mga file (pakawalan ang pagkaka-click sa mouse) at ang mga file ay ia-upload.

    Kung mayroon kang anumang problema sa paggamit ng FileZilla para kumonekta sa hosting account mo, basahin ang Troubleshooting FileZilla FTP Connections.

TANDAAN: Bilang kagandahang-loob, nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa paano gamitin ang ilang third-party na produkto, ngunit hindi namin ineendorso o direktang sinusuporta ang mga third-party na produkto at hindi namin pananagutan ang mga function o pagkamaaasahan ng mga naturang produkto. Ang mga marka at logo ng third-party ay mga nakarehistrong tatak-pangkalakal ng kani-kanilang may-ari. Nakalaan ang lahat ng karapatan.