Frequently Asked Questions

Other Languages: Dansk Deutsch Ελληνικά English Español Suomi Français Indonesian Italiano Japanese Korean Malay Bokmål Nederlands Polski Português - Brasil Português - Portugal Русский Svenska Thai Türkçe Українська Vietnamese Chinese Taiwan Chinese

Pagkuha Sa Customer Number O Pag-Reset Sa Password Mo

Print this Article
Last Updated: February 18, 2015 11:52 AM

Para mag-sign in sa account mo, kakailanganin mo ang customer number at password mo. Kung hindi mo maalala ang customer number o password mo, magagamit mo ang aming Account Assistance para makuha ang kinakailangang impormasyon para ma-access ang iyong account. Maa-access mo ang system sa pamamagitan ng pag-click sa Mag-sign In, at pagkatapos ay Nakalimutan ang password mo? sa aming home page.

Mula sa Account Assistance, magagamit mo ang mga sumusunod na opsiyon:

  • Tingnan ang password hint ko — Ipinapakita ang password hint mo.
  • I-reset ang password ko — Nagpapadala ng authorization code sa email address na kaugnay ng account.
  • Kunin ang customer number ko — Ipinapadala ng customer number mo sa email address na kaugnay ng account.

Para Makuha Ang Customer Number Mo

  1. Mula sa pahina ng pag-login sa account , i-click ang Kunin ang Password Ko.
  2. I-click ang Kunin ang Customer# ko.
  3. Punan ang mga sumusunod, at pagkatapos ay i-click ang Isumite:
    • Aking: Pumili ng uri ng produkto sa account mo.
      Halimbawa, ang Domain Name.
    • ay: Ipasok ang domain name o impormasyon na ginagamit ng uri ng produktong iyon.
      Halimbawa, coolexample.com.
    • Email address na naka-file: Ipasok ang email address na nasa account mo.
    • Ipasok ang pangseguridad na access code na ipinapakita.

Nagpapadala kami ng mensahe na naglalaman ng customer number mo sa email address na kaugnay ng account mo.

Para Makuha Ang Password Hint Mo

  1. Mula sa pahina ng pag-login sa account , i-click ang Kunin ang Password Ko.
  2. I-click ang Tingnan ang password hint ko.
  3. Punan ang mga sumusunod, at pagkatapos ay i-click ang Isumite:
    • Username / Customer# — Ipasok ang iyong username o customer number.
    • Street address na naka-file — Ipasok ang street address gaya ng nakalagay sa iyong account.
    • Ipasok ang pangseguridad na access code na ipinapakita.

Para I-reset ang Password Mo

  1. Mula sa pahina ng pag-login sa account , i-click ang Kunin ang Password Ko.
  2. Piliin ang I-reset ang password ko.
  3. Ipasok ang iyong Username / Customer#, Email address na naka-file, at ang pangseguridad na access code na ipinapakita.
  4. I-click ang Isumite.

Nagpapadala kami ng authorization code para sa pag-reset ng password mo sa mga email address na kaugnay ng account mo. Para magpatuloy, sundin ang mga tagubilin sa email message.

TANDAAN: Balido lang ang authorization code nang 2 oras mula sa oras na ipinadala ito. Kung mapaso ang authorization code, o kung ginamit mo ito at nabigong mag-reset, makakakuha ka ng bagong code para muling tangkain ang pag-reset sa password mo ulit.